Sunday, December 30, 2018

Thank you, 2018. Next!


One more day and 2018 will be over. Boooooy ang bilis grabe! Parang hinipan lang ng hangin yung buong 2018 ko pero sobrang daming nangyari na talaga nga namang nagpaikot saakin sa loob ng 365 days. 

Hindi masyadong maganda yung first 4-5 months ng 2018 ko pero that experience made me see and appreciate all the blessings na meron and dumating saakin. This year sobrang sinubok yung buong pagkatao ko lalo na yung faith ko. Ilang therapy sessions, anti-depressant pills at breakdowns din ang pinagdaanan ko ngayong taon just to survive haha! And if you're gonna ask me kung kamusta na ako: Surviving, living and getting better. Thank you, Metropolitan and Dr. Tan para sa lahat ng gastos charot! 

Kidding aside, if you're someone na kailangan ng makakausap about it, kahit wala akong maitulong, pwede akong makinig kahit hindi pa tayo close. We may not have the same experience but I could at least share a thing or two on how to deal with it kahit papaano haha.

My DM, Messenger, Phone's always open. :)

Okay okay, enough na sa panget na part, mas maraming blessings na dumating na mas dapat ipagpasalamat at i-acknowledge. Hehe.

Summer 2018
Family Outing for 2018 hehe. Sobrang funny and saya ng moment na 'to talaga haha stress free and talaga nga namang na relax and napahinga kaming lahat sa gulo at polusyon ng Maynila. Hehe.


My 22nd Birthday! 
It was a surprise birthday celebration for me hehe. Damang dama ko yung love and support ng buong pamilya ko noong araw na yon, maybe it was exactly what I needed to cope up with everything and to move on from what happened. And up to this day I'm still very thankful for that. 


Katrinaaaaa!
Halos buong June tayo yung magkasama haha! Almost one month kang hindi umuwi halos sa inyo just to be with me every step of the way haha! Thank you for staying with me that time, thank you for making sure na okay ako. I'll forever treasure those moments na kahit mahirap yung sitwasyon nandoon ka to hold my hand hehe. I miss our videoke sesh na umaabot ng 2AM, midnight food trips and nakakalokang movie marathon. Haha. You deserve to be happy hehe. 

Hong Kong Trip
Mommy Lola's birthday gift for me. Nangitim ako sa trip na 'to but still worth it cos syempre nasa happiest place on earth ka haha and disney fan ako so imagine kung gaano ako ka-happy na makita yung mga disney characters especially disney princesses. Thank you for this memorable trip. 


Yanna's Birthday Celebration!
My baby sister's 5th birthday celebration at Star City. Yay. It was a cute and memorable moment for me and the fambam. Hihi. I did not blog about it cos maybe I want the memories to be just for us five. But, one thing's for sure, sobrang appreciated ko yung araw na yon.

Short Hair!!!!
Important saakin 'tong desisyon na 'to cos I loooove my long hair so much haha never akong nagpagupit hehe first time ko 'to so yep feeling ko ang tapang ko. Charing.

Breyshesh....Again.
After 5 years of being braces free lol hello bakod ulit. Tiis tiis ulit sa adjustments and sa sakit ng rubber pag kumakain haha. 

Lingkod Bayanihan Experience.
It was my first ever volunteer experience hehe syempre hindi magiging last. Thank you, Sir Toni for this wonderful experience.


My Plot Twist hehe.
  
 My 2018 Plot twist is finding a job na love ko talaga and meeting these two wonderful women beside me. Grabe you guys have no idea how this job saved me. Hehe. Kung yung iba love life and plot twist this year, saakin meeting these two hehe pang next year na daw yung love life. Charot!

To my beautiful boss, Ma'am Tin. 
Thank you for being sooooo mapagbigay and understanding lalo na sa mga mali namin ni Joy hehe. Sobrang na-appreciate ko po na hindi niyo kami pinapalayas sa sobrang kaartehan namin minsan hahaha. And Thank you for being such a wonderful mentor mapa life stories man or work related, I admire your pagiging madiskarte and masipag in life, sana mahawahan po kami haha.  I will forever be thankful for everything. 

To my innocent looking friend, Joy. Haha!
Thank you for putting up with my kalokohan and pagka hyper. Sobrang happy ako na ikaw yung kasama ko sa work kasi kung hindi baka nasapok na ako sa sobrang pagmamahal ko sa sarili ko haha. Thank you for dealing with my topaks and kamalditahan. Hehe. I promise to teach you more witty banats next time charing! 

Adventures with the BFF!
Hay nako, Francisco!! HAHAHA! Wala pala tayong malinis na picture this year haha puro ikakasira ng image natin both BFF! Charot. Pero, srsly the best yung mga random and biglaang ayaan natin na lagi akong umuuwing lutang lutang haha! Thank you for always making patol sa mga biglaang aya ko hehe. 

Bhest.Laiyp! 
Enchanted Kingdom adventure with the Bhest.Laiyp!!! 

Random sleepover just to make random kwento haha! I love how random we are when we're together haha charot kahit sa chat wala tayo kwenta mag usap char.
Condo hits!! HAHA! The picture says it all. Sobrang happy natin together and kapag nasa condo so.....condo life na ba ituuu bhest laiyp? Charot! HAHAHAHA!

Almost half of my big gala this year ikaw ang kasama ko, ang laki ng budget natin sa isa't isa pero worth it naman lahat haha! Matagal tayong di nagsama noong college kaya ito na yung bawi para sa mga panahon na yun. Okay na ba bhest laiyp? Nababawi na ba? HAHAHAHA umpisa palang 'to uy, marami pa tayong plano hehe so let's work hard so we could waldas harder charot


Hindi ko alam kung may mga nakalimutan pa ako haha. Pero know that every experiences and each and every person na nakasama ko this 2018 will forever be a part of me and my life adventures haha. I may not post or talk about you here sa blog but the memories we've shared together will never be forgotten. 

A big shout out to those people who made an effort to be with me, have kwento with me and of course yung mga pumatol sa mga biglaang pag aaya ko haha, you guys are the best. 2019, ulit?

To those friends na hindi ko na nakakasama madalas or nakaka usap, know that next year I will TRY my best to make time for you guys hehe sorry and bawi ako. Love you all.

And to those people na wala na sa buhay ko ngayon but naging part naman ng 2018 ko, hello, I still wish you happiness and peace. I hope you're contented with your life now and sana happy kayo sa mge decisions niyo. 

Let's all be thankful para sa lahat ng nangyari ngayong taon, mapa maganda man or hindi cos those experiences were over and it made us who we are today. Treasure the good memories and take the bad ones as life lessons. Let's always try to find the silver lining in every situation or kahit saang bagay. Let's not stress ourselves sa mga bagay na hindi na natin mababago, life's too short to worry about the things na wala naman na tayong magagawa haha. Maging masaya nalang tayo sa present, do things that your future self will thank you for, give yourself something na ikaka excite mo sa future. :)

Happy New Year, Everyone! Cheers! 

-Yhem.

Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose