Super late post na nito kasi last September 22, 2018 pa 'to nangyari talaga but I'll still post and make kwento about this adventure haha! So....ito na.
Chrizel's one of my longest and dearest friend, we've known each other since grade school pa, wala pa kaming muwang pareho noon sa mundo haha. Marami kaming plans together and I'm glad na kahit paisa isa natutupad naman namin.
Last September 19, 2018, 23rd birthday niya, but since may work kami pareho sa saktong araw nag decide kami na Saturday nalang kami umalis para walang matamaang schedule naming dalawa kasi weekends naman. So, September 22, umalis kami. Ang funny kasi sobrang aga namin nagkita, dinaig pa namin yung mga batang may fieldtrip.
nagkita kami sa may Taft around 9AM, sumakay kami ng bus kahit hindi talaga kami sure kung saan saktong bababa pag nasa Laguna na kami haha! Pero okay lang naman saaking mawala as long as may kasama ako na game din sa adventure so sumakay kami ng bus lol (wait before that, habang nasa pila kami merong pulubi and lahat ng tao sa pila as in hinahawakan niya, tapos pagdating saaming dalawa ni Chrizel bigla siyang lumagpas and yung nasa likod namin agad yung hinawakan niya haha ang funny kasi na-feel niya siguro na wala kaming pera kaya di na siya nag effort. charot!)
So, ayun na nga, nasa bus na kami tapos around 11:30 dumating kami sa Laguna, bumaba kami sa may Coke keme kasi yun lang yung alam ko talaga HAHAHAHHA we asked for directions kung papaano pupunta sa EK and sabi nung isang kuya "TUMAWID" daw kami. WTH wala namang tawiran haha! So, bahala nalang and nag lakad nalang kami nang naglakad hanggang sa may pila na ng tricycle doon kaming nakita and parang automatic sa kanila na EK agad ang pupuntahan.
Nakarating naman kami ng buo.
Pag dating sa loob, grabe sobrang INIT HAHAHAHAHA! Sobrang dami ring tao kaya medyo iritado na yung pakiramdam ko. Maarte pa man din ako sa buhay at ayoko sa pakiramdam ng pawis na pawis na parang naglalapot na ako. Pero, syempre di naman namin sasayangin yung binayad namin kaya tuloy lang ang buhay.
Marami akong bitbit that day kasi dala ko yung bag ko na pang sleepover haha! Kaya kumuha kami ng locker, 150 lang naman mga mamsh kaya keri na yun, kung ako sa inyo kuha narin kayo nun kapag nag EK kayo kasi sobrang hassle mag ikot pag may maraming bitbit.
Sa totoo lang wala talaga kaming masyadong nasakyan kasi sobrang init talaga at ang hahaba ng pila kaya yung mga sikat na rides nalang sinakyan namin na wala kaming ibang ginawa kung hindi tumawa lang kasi hindi naman nakakalula. Strong ang ate gurl niyo kaya ganon.
Pero, may isang ride na sobrang di ko makakalimutan kasi halos mag liveshow ako HAHA! Hindi ko naman akalain na sobrang baliktad naman pala ang magaganap sa ride na yun, akala ko pang bata lang, pagkasakay ko bigla nalang patiwarik pala at natanggal nalang kusa yung damit ko haha (kung may video man ako na kakalat sa ride na yun hindi na ako magugulat. charing!)
Puro lakad lang talaga at kain yung ginawa namin sa loob ng EK kasi hinihintay naming humupa yung araw pero mas matatag talaga siya kaya wala rin kaming napala. Ang mahal nga pala ng mga pagkain sa loob jusko pero wala naman kaming magagawa, wala rin naman kayong choice kundi doon kumain lalo na kung wala kayong sasakyan sa labas at hindi kayo pwedeng magbaon ng food kaya tiis tiis at laan ng konting budget para sa food haha.
Wala rin kaming masyadong pictures that day kasi wala kaming makitang spot na pwede paglagyan ng camera, ang hirap ng walang jowa, walang pwedeng taga picture haha kaya naman.....baka naman meron po dyan, tumatanggap kami ng inquiries, char!
Nga pala, walang nagbago sa EK, mas sumikip lang talaga jk. Yung Eagle bago kaso hindi na kami pumunta doon, hindi masayang libutin ang Pilipinas kung wala kang kamay na hahawakan so next time nalang HAHAHAHAH joks.
Ito naman yung #OOTD ko, yep, nakapalda ako sa isang amusement park. Gaano ka katanga diba? Sabi ko naman sa inyo may pa instant live show talaga ako that day kada sakay ko sa mga rides kasi todo angat yung damit ko haha pero wala naman ako masisi kung hindi ako at ang katangahan ko so okeh okeh mag move on nalang tayo mga mamsh.
Ang mahalaga may naipang-dp ako sa fb. Lol.
So, ayun, umuwi rin kami ng mej maaga kasi nga bahong baho na kami sa mga sarili namin, problema ko talaga yung pawis ko eh haha sobrang arte ko masarap akong kutusan HAHAHAHA!
Kinabukasan, hindi pa kami nakuntento at hindi parin ako bumalik ng Maynila haha! Nag punta kami sa ATC para lang lumibot at sulitin yung araw. Wala na akong dalang matinong damit kaya talagang dami ni Chrizel na yung sinuot ko para lang makagala kami. Wala rin naman kaming napala pero mas okay yung ikot namin doon kasi hindi masyadong masakit sa balat yung init kaya nakayanan pang mag picture.
Around 4PM umalis na kami at umuwi narin ako pabalik ng Manila kasi may pasok pa ako kinabukasan haha hindi naman po ako si Darna, nangangailangan din ng kaunting pahinga ang ate niyo ano po.
Ayun, wala namang kwenta tong post ko na 'to pero for the sake of updating my blog ito ako nag tatype. Hehe.
-Yhem.