Learn to enjoy every minute of your life. Be happy now. Don't wait for something outside of yourself to make you happy in the future. Think how really precious is the time you have to spend, whether it's at work or with your family. Every minute should be enjoyed and savored. - Earl Nightingale
Always be grateful for the things that you have.
Isa yan sa mga bagay na naisip ko habang nasa bakasyon kami. Alam naman ng lahat na nasa emo stage ako ng buhay ko ngayon hahaha kaya saktong sakto yung mini vacation na yun para saakin (and kay Katrina din daw haha).
I was quietly observing my family noong nandoon kami sa resort, everyone was so happy and you could see na they are really enjoying the moment, and to be honest that made me happy. Seeing them smile, laugh and joke around made me realized how lucky I am cos I have a family that could also be my friends/barkada. Of course, we're not perfect but I could proudly say na we perfectly love each other, and that is more than enough.
Love you, fam! Haha!
So, ang drama na, ito na nga yung kwento ng naganap haha.
Umalis kami sa Manila ng 4PM kasi 7PM yung schedule namin sa resort. Mej traffic pagdating ng mismong Calamba, doon kami halos nagtagal pero nakarating kami sa Spring Ville before 7PM.
Pagkadating namin doon naka open na yung resort and naka usap namin si Ate Josie, siya yung caretaker doon and mabait siya, sabi niya na itext lang daw siya kapag may kailangan kami.
Wala akong sariling picture that night kasi talagang sinadya kong iwan yung camera and cellphone ko sa kwarto para ma-enjoy yung buong gabi na kausap at kasama lang ang lahat. At wala rin namang magtetext saakin kaya walang magbabago kung iiwan ko yung phone ko wahahaha. (Kaya nanguha nalang ako ng mga pictures sa mga inupload nila hehe)
After kumain ng dinner nag start na yung mga bata mag swimming, nagstart na rin yung kantahan at syempre inuman. Buong gabi na puro tawanan lang at asaran, kwentuhan, kantahan at syempre inuman.
Para maniwala kayong super nag enjoy kami buong gabi, here's a picture of my father na siyang patunay na walwal talaga ang gabi na yun kaya ang sarap na matulog sa pool haha! Ang epic talaga. May pinagmanahan nga ako cos halos nakatulog na din ako sa pool habang naka life vest. Lol
Sana maalala din ni Tita Cat na literal na pinaliguan niya ako ng alak at coke hahaha! Shookt ako sa pagkakabuhos saakin eh haha!
Pag dating ng umaga syempre may hangover wahaha pero hindi kami mapipigilan nun para maging masaya at sulitin ulit yung araw. Pagkagising at pagkatapos mag almusal, balik langoy at kantahan nanaman.
Me and Katring trying to look pretty and payat na parang walang pinagdaanang hilo kinagabihan wahahahaha.
Thank you, Kat sa pagsama. Biruin mo nga namang kailangan pala natin 'tong trip na 'to para isampal saatin yung isang dekadang friendship natin haha! Love you!
Tapos for lunch nag boodle fight style kami, sus tinatamad lang sila maghugas ng plato eh, charot! Nakaka enjoy naman and ang sarap ng food. Again, wala akong picture kasi tamad ako kumuha ng litrato and nasa kwarto yung phone ko. Pero, maniwala kayo masarap haha!
After kumain, nag swimming narin kami ni Katrina, kaya ngayon palang sasabihan ko na kayo, mukha akong dugyuting bata sa mga picture dahil basa basa na yung buhok at mukha ko wahaha
Hanggang 3PM lang ako nagbabad sa pool kasi takot akong mangitim charot! Kasi hanggang 5PM nalang kami and kung hindi pa ako kikilos, matatagalan ako mamaya haha! Gusto ko pa kasi sanang mag ayos bago umuwi para makapag picture sana lol
Ayun, before 5PM naka ayos na ang lahat at ready na kaming bumalik sa Manila at realidad haha!
Before I end this post I just want to say thank you to Tito Dan and Tito Ces for this mini summer vacation, We appreciate this po and we'll surely treasure and remember every moment of it. We love you po.
PS:
In case you guys are wondering about the resort...charot! As if naman may magbabasa nito pero kung sakali lang naman, bigay narin ako ng details para blogger feels talaga.
Spring Ville Hot Spring Resort.
Address: Rosal Street, Calamba, 4027 Laguna
Phone: 0927 297 8950
Maganda yung resort lalo na kung gusto niyo na mabantayan niyo yung mga bata na nasa pool habang nag vivideoke. Malaki yung pool and malinis yung buong place.
22 kami lahat pero hanggang 30pax daw ang kasya sa resort, may mga extra bed pa nga na hindi kami nagamit kaya okay yung laki ng area para saamin. May ref, water dispenser and gas narin sa resort and may nagtitinda ng water para sa dispenser. May mga tindahan din sa labas kaya hindi na hassle bumili kung may kukulangin man.
Malinis din yung place. Lagi nilang nililinis yung tubig every after namin gamitin, hindi katulad sa ibang resort na isang beses lang nag change ng water sa pool. Dito magmula sa pool, cr, rooms and sa mga sulok, malinis. Mabait din si Ate Josie, yung caretaker ng bahay.
Ayun lang, and kung sa price naman, reasonable yung price nila, kayo nalang mag tingin kung magkano yung time and sched na gusto niyo. Hehe.
Ayun lang. Tapos na. :)
-Yhem