Thursday, August 09, 2018

My First Lingkod Bayanihan Experience!

Hello Hello! 

So, last Saturday, August 4, 2018 nag volunteer kami ni Chrizel(a little side story, since elementary mag bestfriend na kami ni Chrizel pero hindi namin alam na pareho pala naming gusto yung mga ganitong bagay kaya ngayon lang namin nagawa ng magkasama haha!)

Ako, personally gusto ko talaga yung mga volunteer works, sa totoo lang nasa ganitong line of work talaga yung gusto kong mangyari sa buhay ko pero wala pa akong nakikitang opportunity talaga na pwedeng pasukin hahaha kaya kung may alam kayo dyan baka naman haha send ko resume ko charot (joke pwede rin pm niyo ako, I badly need a stable job wahahahahahahapls)
So, okay seryoso na nga. Kung bet niyo rin mag volunteer sa mga free time niyo at may magawang kabutihan sa mundo kahit papaano, try niyo sumali sa mga ganitong event. Lalagay ko na agad yung mga details dito bago ako mag start magkwento kasi syempre baka doon naman talaga kayo interesado at hindi sa mga kwento ko haha!

https://ivolunteer.com.ph/ - ivolunteer website. 
Dito ako naghahanap ng mga pwedeng salihan na volunteer works. maraming pwedeng salihan dyan na tutugma sa schedule and budget niyo narin. Kung bet niyo click niyo nalang yung link and direct na yan sa mismong site nila. 

Ito naman yung next event ng AralPinoy na pwede niyo puntahan kung ang gusto niyo eh yung katulad ng sinalihan ko. 

*Contact Details: 
(AdvenTURO/AdvenTOUR Organizer) Antonio Ingles Jr PhD
(Email) aralpinoy@gmail.com
(Mobile) 09178661006

Mabait si Sir, promise. approachable siya and madaling kausap kaya hindi ka mahihiyang magtanong kung may mga tanong ka about sa pagiging volunteer. 
Kagaya nga ng sabi ko kanina, Last Saturday nangyari yung first Lingkod Bayanihan experience namin ni Chrizel, first pero sure na hindi ito yung magiging last. 

Sa isang community/barangay sa may Taft ginawa yung event and according kay Sir Toni, it was sponsored by the Fernandez family. Sana sa future makapag sponsor din ako ng ganitong klaseng event, pero sa ngayon, volunteer nalang muna haha. 

8:30AM yung meeting time sa may McDo, Taft sa tabi ng DLSU tapos naglakad kami papunta sa place ng event, malapit lang naman, walking distance lang kaya kayang kaya na. 

9:00AM nandoon na kami sa lugar ng event pero wala pa yung mga bata, 30 kids yung expected na dadating kaya inayos na yung mga upuan pagkadating doon. 

Noong dumating na yung mga bata, nagstart narin yung program, may mga games and nakakatuwa kasi yung mga bata nag join talaga sila and nakiki cooperate and syempre may mga premyo silang nakuha, pero kung ako ang tatanungin ang pinaka naenjoy ko is yung puppet show, magaling si Kuya Clown magpatawa haha simple lang pero havey, nakalimutan ko yung pangalan niya pero yung puppet si Ricky ata haha! Aliw na aliw akong manood at yung mga bata na nandoon. 

Bago matapos yung event, nagbigay sila ng food sa mga bata and mga gifts and makikita mo sa mukha nung mga bata yung excitement na meron sa kanila. Nakakatuwa, ang iinosente pa ng ngiti nila. Haha.

Sa totoo lang wala naman talaga akong masyadong nagawa at naitulong doon haha pero yung nakakatuwa talagang tignan yung mga bata na nag eenjoy. Halata naman siguro sa picture kung paano nawala yung mata ko sa sobrang ngiti ko haha! Sobrang ganda sa feeling na maging part ng ganito lalo na at bestfriend mo pa ang kasama mo, naging doble pa yung saya. 

Isa sa part ng bucket list namin ni Chrizel na makapag organize ng ganitong event, hindi namin alam kung kailan mangyayari yun pero sure na isa yun sa mga bagay na paglalaanan talaga namin ng oras. Ngayon palang nga napag uusapan na namin at may mga iilang plano na kami haha budget nalang talaga ang kulang at matutupad na namin yun. 

Iba rin kasi talaga sa pakiramdam kapag nakikita mo yung saya ng ibang tao na feeling ko parte ka ng ngiti nila na yon. Sobrang dami ng hate at panget na nangyayari sa mundo kaya pwede naman sigurong sumali sa pagbabawas diba? Haha!

If you're lucky enough, be a blessing and share some of your time. Minsan hindi natin naiisip na yung mga bagay na parang wala lang saatin, malaking bagay na pala sa ibang tao. Marerealize mo sa mga ganitong pagkakataon kung gaano ka dapat magpasalamat sa mga bagay na meron ka kasi baka yan yung bagay na hinihiling ng iba na magkaroon. 

Para akong kumakandidato dito pero seryoso ako, friends! Haha! 
And bago ko pa tapusin 'tong post na 'to, gusto ko palang mag thank you kay Sir Antonio (Toni) Inges, para sa event na 'to. Sana po marami pa kayong mapasayang mga bata at tao. Sana po hindi ito yung last event niyo na masasalihan namin. God Bless po! :)
-Rhemzy
PS: 
Little explanation on the diffrence between AdvenTURO / AdvenTOUR and Lingkod Bayanihan: 

AdvenTURO / AdvenTOUR: 

*AdvenTURO is coming over to teach! The Volunteers will come over to conduct instruction and impart knowledge to the community.

 *AdvenTOUR is coming over to learn! The Volunteers will come over to learn through an educational, a cultural and an environmental immersion with the community.
Lingkod Bayanihan: 
*We want to be of service, "Lingkod" to the country, "Bayan". Moreover, rendering a service is a team endeavor and effort, which an individual cannot do it alone. United in our resolve to serve, thus, the idea, "Lingkod Bayanihan" was born.

Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose