Day 4 (June 26)
Ocean Park.
Hindi na ako masyadong mag kkwento bout sa Ocean Park trip namin kasi wala namang halos nangyari noong araw na 'to. Saglit nalang kami nag stay kasi grabe sobrang pagod na talaga kami dahil buong araw kami nag ikot sa Disney Land bago yung araw ng Ocean Park namin, halos wala na kaming energy sumakay at mag ikot lalo't layo layo yung mga lugar na pupuntahan.
Sa totoo lang maganda yung place ng Ocean Park, ewan ko pero bet ko yung buong place. Mula sa kulay at ayos ng paligid parang nakaka enjoy lang haha feeling mo batang bata ka pa na first time maka punta sa amusement park kaya sobrang nakaka excite talaga, pero syempre opinion ko lang naman yun kasi mahilig ako sa mga ganitong lugar talaga haha.
Kung sa rides naman, extreme yung mga rides nila kaya dapat ihanda mo talaga yung sarili mo. Kung katulad kita na bet na bet yung mga rides na halos mawala na yung kaluluwa ko, mas maganda na dito kayo una pumunta kesa sa Disney Land kasi walang masyadong rides doon baka hindi niyo maenjoy. So ayun.
Naglakad lang kami nang naglakad sa Ocean Park para ikutin nalang talaga haha kaya tip narin kung pupunta kayo ng Hong Kong wag niyo na ipush yung magkasunod na araw na pag gagala ng whole day sa Disney Land at Ocean Park kasi mamamatay talaga kuko niyo sa paa lalo kung naka closed shoes kayo hahahahaha! Pero kung feeling niyo keri niyo naman edi go sige push niyo na.
So ayun, sumakay kami sa Cable Car para makabalik sa main/entrance, dalawa lang choice niyo mga mamsh para makapunta kayo sa kabilaang dulo: express train or cable car.
Pagkababa namin sa cable car, dito kami napunta sa street na Old Hong Kong daw. May mga store doon and food stalls na pwede niyo narin kainan kung gusto niyo or pagod na kayo kaya keri narin. Bet ko yung place kasi instagramable kaya lang syempre wala na akong masyadong picture kasi nga pagod na kami at gutom narin kaya umupo na kami doon tapos doon na kami kumain haha. Di ko bet yung pagkain pero pwede narin lol.
Ayun, after namin kumain at magpahinga ng konti, umuwi na kami at nagpahinga haha! (Pero, before kami makalabas may nadaanan kaming performance parade and ang daming Pinoy hehe)
Sabi sa inyo, walang masyadong nangyari sa Ocean Park eh haha!
PS:
May MTR na nga pala na diretso sa Ocean Park kaya di narin mahirap, dati daw kasi bus lang ang way papunta doon kaya mej matagal pero ngayon 30 mins lang ata nandoon na agad sa loob ng OP.