Day 3 (June 25, 2018)
Syempre hindi makukumpleto ang pagpunta sa HK kung hindi ka makakapunta sa happiest place on earth daw (cos I still believe na ang happiest place on earth ay sa piling ng mahal mo. charot!)
Umalis kami sa bahay ng 8am. Nagbreakfast kami tapos nagbyahe na kami papunta sa DL. Mabilis lang yung naging byahe kasi puro MTR lang naman yung sasakyan and palipat lipat lang. 3 times kami nag transfer, from Sham Shui Po to Lai King tapos Sunny Bay then doon na yung train na sa Disney Land na mismo yung baba.
Since nag order na kami ng ticket dito palang sa Pilipinas (sa klook kami kumuha) diretso na agad kami doon sa entrance kaya walang hassle pumila sa ticket area.
Dalawa lang kami so wala kaming taga picture. Kaya asa sa monopod haha! Yung minnie mouse headband ko hindi ko doon binili kasi duh ang mahal kaya, overpriced masyado, charot! Go lang guys kung keri naman ng budget niyo, bili kayo doon, sayang din. Pero, ako kasi talagang dinala ko na yan kasi saakin na talaga yan bago ko pa malaman na magpupunta kami sa HK. Mahilig kasi talaga ako sa mga kakaibang headband and i love mickey mouse lol.
May lugar doon na pwede kayo kumuha ng map para alam niyo kung saan niyo gusto pumunta and nandoon din yung magiging route noong parade. Pero okay lang din naman na hindi kayo kumuha kung gusto niyong surprise yung mga malalakaran niyo, mas magical pag wala kang idea sa bawat lilikuan haha mas ma appreciate mo yung place kasi iisipin mo kung nasaan ka na ba. Hindi ka naman mawawala kasi paikot lang din naman talaga.
My OTP haha! Mickey and Minnie. Char.
Pagpasok, may pila agad na nakita and sila nga yun, nandoon narin naman kaya kahit ayoko pumila ng mahaba nag tyaga na kami kasi sayang naman yung opportunity eh, isa nga sila sa pinunta ko talaga doon. Haha! Isip bata pa talaga kasi ako, aliw parin ako sa Disney, I mean, sino bang hindi, diba? Yung mga disney princesses, mickey and gang, lion king plus yung magandang lugar na feeling mo naging totoo lahat ng childhood idols mo haha!
Pagkapasok mo sa Main Street, para ka lang nasa Enchanted Kingdom jk! Pero kasi ganon yung feels mga mamsh haha! Yung hollywood part ng EK, parang ganon lang din, mas matingkad lang ata kulay ng mga establishment sa HK, feeling ko kaya ganon kasi diba USA nga HAHAHAHAH ewan ko hindi ako maalam sa mga ganong bagay, basta maganda sa paningin ko. Pero, kung may mga kasama kayong artsy friends sigurado pak na pak ang pang oodt pics niyo sa bawat sulok.
Tapos syempre hindi mawawala yung parade ng mga disney stars. Isa yun sa highlight ng pagpunta mo doon. Wala akong masyadong pictures sa kanila kasi nakatingin lang talaga ako, alam mo yun? Alam ko naman na hindi talaga sila yun pero sobrang na-excite ako nung nakita ko sila, lalo na yung mga disney princesses. Natulala talaga ko tas napangiti nung nakita ko sila lalo na si Belle, feeling ko walang kasinungalingan sa childhood ko kasi totoo sila! HAHAHAHA!
Tapos nanood din kami ng mga theater play nila. Musical lahat syempre kaya lalo akong nag enjoy. Wala akong masyadong mga pics talaga kasi inenjoy ko talaga yung buong palabas. Mahilig kasi talaga ako manood ng mga ganito, kaya nga noong HS ako lang talaga ata ang nag eenjoy kapag may mga play haha! Tuwang tuwa ako lalo na nung lumabas si Mamshie Elsa at kinanta ang theme song ng buhay ko. Let It Go, syempre. Good Job, Mamsh! (Pinapatugtog ko yung song ngayon hays haha)
Meron pa kaming isang pinanood, yung Lion King, grabe pagka uwi ko dito sa Pilipinas pinanood ko ulit yung movie kasi ang ganda talaga ng pagkaka arte nila kaya dalang dala ako, kaya ginusto kong panoorin ulit lalo na si Simba haha! Aliw talaga. Ang gagaling nila kumanta at umarte, kung may talent lang talaga ako na ganon, jusko lahat ng play sasalihan ko haha.
Hakuna Matata!
Ito yung ilan sa mga rides na pwede niyong sakyan doon. Mahaba yung pila pero okay narin kasi mabilis naman yung galaw and makakasakay ka parin, baon lang kayo ng pasensya, water and alcohol haha malalaman niyo rin kung bakit. Pero, enjoy yung mga rides, hindi ako malululain kaya na enjoy ko haha! Halos 3 mins lang tinatagal per ride so bitin haha!
Nag stay kami doon hanggang 9PM para kay Mickey haha! Syempre siya ang bida ng gabi. Walang fireworks daw since December 2017 pa kasi ginagawa yung castle kaya ganon. Sayang nga kasi isa pa naman daw yun sa pinaka inaabangan lagi pero okay lang may next time pa naman haha!
Wala rin akong masyadong #OOTD shots kasi ang init nakakapagod mag picture sa gitna ng daan haha! Hanggang ngayon iniinda ko yung kulay ko char. Pero, ayan yung buong suot ko na yan wala pang 500 pesos ata. Wag na kayo mag branded na damit ganon din naman yun HAHAHAHA.
Top - 150php | Shorts - 25php | Shoes - 150 |