I went to Hong Kong with Mommy Lola last month, June 23-27. Five days kami nag stay doon pero parang 3 days lang kasi yung 1st and last day nasa eroplano kami haha! It was actually my first time to travel overseas, so yay! hindi na valid I.D lang yung passport ko. Haha!
Wala namang naging problema saamin, madali naman kami nakapasok at natapos sa immigration kasi hindi naman kailangan ng Visa sa Hong Kong. Passport lang ang hiningi tapos tinanong kung may kasama ako tapos ayun okay na.
Pero may mga narinig ako na mej mahigpit na daw ngayon lalo sa mga dalaga, may mga kumakalat sa facebook na Airport to Airport lang daw yung nangyari sa kanila dahil ayaw silang payagan ng immigration lumabas. I actually don't know the whole story and kung bakit ayaw sila papasukin, but if you're planning to visit HK, para sure narin kayo, mag dala na kayo ng mga documents na mag susupport na babalik kayo sa Pilipinas talaga, and of course, return ticket narin para sure. Mababait naman yung mga immigration officers nila, siguro nag iingat lang talaga sila.
Bili narin kayo ng octopus card, sure na madalas niyo magagamit yun kasi yun talaga yung pinangbabayad nila sa MTR, Bus, Ferry at kahit sa mga kainan. 150hkd each yung bili ng lola ko sa card, may laman ng load yun pero kung mauubusan ka pwede naman ulit lagyan yun, parang beep card ganern, tapos kapag uuwi ka na, pwede mo ibalik yung card para ma refund yung 50hkd mo, promise sulit narin haha!
Day 1 (June 23, 2018)
So kwento ko yung nangyari hays Cebu Pacific.
3:30PM yung flight talaga namin paalis ng Pilipinas. so dapat 6PM or before 6PM palang nasa Hong Kong na kami, pero dahil magaling talaga ang reputasyon ng Cebu Pacific, delayed ang flight. 3PM pinapasok na kami sa eroplano pero after 40 mins siguro pinbaba kami and sorry daw ganern. So lumabas muna kami at kumain, around 6PM nagpapasok na ulit sila tapos 6:30PM kami naka alis dito sa Manila and dumating kami dun ng mga 9PM? After mag land we went straight to the immigration and mej mahaba yung pila pero mabilis naman yung process so okay lang din. Pero ang pinaka bongga talaga sa lahat, pati yung bags delayed, almost 40mins din kaming naghintay bago dumating yung bag plus siguro 20 mins bago namin nakuha talaga. After namin dun, nakita na namin yung friend ni Mommy Lola na susundo saamin (thank you po ulit). Kumain kami saglit tapos nagbyahe kami papunta sa tutuluyan namin, mej matagal yung byahe kaya midnight na nung nakarating kami. Doon kami sumakay sa bus na may 2nd floor wahahaha. Pagdating namin doon sarado na lahat ng nasa paligid kasi syempre nga midnight na, wala na talagang time time mag night market and pagod narin kami kaya natulog na kami.
Day 2 (June 24, 2018)
Woke up around 6:00am para mag ready cos mag attend kami ng church ng 9AM. Malapit lapit lang yung church sa pinag stayan namin kaya naglakad nalang kami. Before 9AM nandoon na kami, ang daming Pinay, actually halos lahat.
First time ko mag attend sa church na yun. Catholic kasi talaga ako, pero may idea naman ako sa mga mangyayari cos may mga kaibigan akong nagkkwento. Sa totoo lang, naiyak ako. Hindi ko inaasahan na maiiyak talaga ako sa service, pero yung sa mga kanta palang kasi parang iba na sa pakiramdam. Alam niyo yung alam ko naman na may mali saakin, pero hindi ko narealize na ganoon na ako kabroken, gusto kong humagulgol while praying. Tapos yung mga sinasabi pa, saktong sakto sa mga nararamdaman ko. Sabi nila na kahit anong mangyari, kung feeling ko confused ako at hindi ko alam kung anong mangyayari saakin, magtiwala lang ako na there's someone na hinding hindi ako iiwan, I just need to put my trust and faith in Him. Alam niyo yun? Feeling ko talagang nilaan saakin yung araw na yun para marinig ko yung mga salita na yun at maalala ko na hindi ako mag isa at nasa right path parin ako.
After ng service, nakita namin yung ilan sa mga kaibigan ni Mommy lola doon, saglit na picture picture lang and konting kamustahan nila tapos nagbyahe na kami kasi kikitain namin yung dating amo ng lola ko. 22 years kasi si Mommy Lola sa Hong Kong ang tagal din na taon ng buhay niya yung ginugol niya doon kaya mej marami silang napagkwentuhan. Sa isang Japanese restaurant kami kumain and ang funny kasi hindi talaga ako marunong mag chopsticks, kaya nanghingi ako ng fork (nakaka kain naman ako pero hindi talaga yung proper na paghawak kasi idk ayaw talaga, kahit sa ballpen iba yung paraan ng paghawak ko kesa sa normal haha!)
After nun nagbyahe ulit kami papunta sa Central. Pinakita lang ng lola ko saakin kung saan siya dati nagpupunta noong sa HK pa siya nakatira and tapos nun nag sakay kami sa ferry para makapunta sa kung saan kami sasakay papunta sa market na pupuntahan namin. Sa market nila, sa totoo lang para lang din akong nasa divi, kabisado ko yung divi so alam ko kung ano yung mga tinda haha! And parehong pareho lang, mas mahal lang talaga sa kanila kapag nagconvert ka sa peso HAHAHA! Buti nga marunong mag Chinese si mommy lola kaya nakakatawad siya sa mga binibili.
Around 6PM siguro yun, umuwi na kami sa masakit na yung paa namin and pagod narin kami kaya nag stay nalang kami sa kwarto para makapag pahinga ng maaga. Before 12mn ata nakatulog na ako.