Monday, June 04, 2018

Happy Birthday, Self!

I know late na for this post, but, hey! Better late than never, right? 

Last May 19, I celebrated my 22nd birthday. I really thought na it was going to be just a normal day kasi I don't really celebrate my birthday. But, something happened.....

YEPPP!!! Sinurprise nila ako with cake, food and balloons. Naiyak talaga ako kasi nag effort silang lahat just to make my day memorable. And yung effort palang na yun sobrang masaya na ako and enough na para sa 22nd birthday ko. 

Kung tatanungin niyo ako kung nagka idea ba ako na may ganyan, nope, wala talaga. Well, naisip ko na baka nag luto si papa kasi ang aga niyang wala sa bahay, nag joke pa nga ako na mag papafiesta ba siya, bakit ang aga haha! Alam ko kasi talaga na iinom kami, kaya naisip ko na baka mga pulutan ganern. Tapos pagkadating ko sa bahay, pagkabukas ko ng pinto biglang bumungad saakin lahat haha! Hindi ko na napigilan maiyak. 

Hindi talaga ako ma-celebrate na tao, 18th birthday ko nga, tinulugan ko lang noon haha walang party, walang kahit ano. Pero, masaya palang mag celebrate kasi ramdam mo kung gaano ka ka-special at kamahal ng mga taong nasa paligid mo. 

That's why I want to take this opportunity to thank everyone (aka my fambam) para sa isang memorable na birthday. You have no idea kung gaano ako kasaya noong araw na yun, the whole day nakalimutan ko lahat ng pain and fears na nararamdaman ko, puro love at happiness lang ang meron noong araw na yun. Happy tears lang lahat ng bumagsak sa mata ko. 

Thank you for waking up early para mag prepare ng food and set-up ng balloons haha! I'm already 22 pero birthday balloons could still make me happy. Sobrang na appreciate ko talaga lahat ng meron sa buong araw na yun. Mula sa mga food na hinain na lahat favorite ko, sa decorations at basta lahat haha!

And sabi ni Mama, si Papa daw talaga naka isip na isurprise ako, kaya thank you papa for always making sure na magiging masaya ako sa buhay, na magiging okay ako kahit anong mangyari. I appreciate everything. I love you, mama, avvy and yanna. 

Para akong nag debut party hahah four years late ganern, pero feeling ko naman 18 parin ako so....hehe.
Oh... and yep, Kat was there too. Late nga lang kasi galing pa siyang work. Haha!
Yung spotify and Netflix subscription, gift ni Kat. Nagulat nalang din ako sa pa Netflix ni ate girl haha. Thank You!!

Yung yellow envelope, galing kay King King, handwritten birthday letter with a heartfelt message sa loob na sobra ko rin na appreciate kasi bukod sa nakakaiyak yung nakalagay, minsan ka nalang makatanggap ng handwritten na letter. Thank you, King. 
Ito naman, ang effort din grabe! Nagulat ako nung binigay saakin ng mga pinsan ko 'to. Akala ko pa nga noong una, prank. (Trust issues haha jk) Pero nung inopen ko yung box bumungad saakin yung iba't ibang pictures. Pinagtulong tulungan daw 'to ng mga bata kong pinsan, 15 days daw nila ginawa kaya mas lalong nakadagdag sa ganda ng gift. Thank you hehe.

So, ayun na nga...Salamat sa mga taong nagmamahal saakin na nagpaparamdam araw-araw na worth it parin lahat ng hirap sa buhay. Thank you sa hindi pag give up saakin and thank you for making my 22nd birthday so memorable. 

Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose