Sunday, May 13, 2018

Happy Mother's Day!

Bago ko simulan talaga 'tong post na 'to, babatiin ko muna ng Happy Mother's Day lahat ng mommy na. You guys are amazing and strong, grabe I can't imagine myself na ginagawa yung mga ginagawa niyo haha. I'm sure in your kid's eyes, kayo yung supermom nila. 

So, ayun na nga, Mother's Day na ulit, and alam ko na hindi lang naman dapat today pasalamatan yung mga magulang natin pero this day is for them so let's try to make them feel na all their sacrifices and love are very much appreciated. 

To be honest, gusto ko talagang magbigay ng gift pero wala akong budget so for now I hope this simple blog post could make them happy. :)

May 13, 2018
12:58AM

Dear Mama,

Hi Ma! Happy Mother's Day! Alam ko lagi ko na 'tong sinasabi sa mga msg ko pero THANK YOU! Thank you so much for everything. Simula sa pag pigil sa antok mo para lang pakinggan ako sa walang sawang pagdaldal ko hanggang madaling araw, sa pakikinig sa mga random na kwento ko, sa pag intindi sa mga tantrums ko and mga bad decisions ko hanggang sa pagsuporta saakin sa mga bagay na makakapag pasaya saakin. 

Alam ko na you're just trying to be strong for me pero I know na mas masasaktan ka kapag nasasaktan ako. Sorry kung wala akong magawa ngayon, sorry for being emotionally weak and thank you for being a strong support system. Thank you for loving me. I appreciate everything. 

I love you, Mama! 

Dear Mommy Baby,

Mommy, salamat sa pagpapalaki saakin at sa pagbibigay ng magandang childhood life. Thank you sa pag baby parin saakin kahit malaki na ako. Thank you sa laging pagpaparamdam na kahit hindi na ko laging nakakapunta sa inyo, lagi parin akong may matatakbuhan at magpaparamdam saakin na mahal na mahal ako. Salamat sa laging pag una saakin sa mga bagay bagay, minsan kahit para sayo dapat, ibinibigay mo parin saakin.  

Sorry kung hindi niyo na ako madalas nakikita pero sana alam niyo na kahit anong mangyari, I'll always be your baby girl na parang kangaroo. Walang nagbago and walang magbabago. Mahal ko kayo ni Daddy. 

Happy Mother's Day, Mommy, I love you!

Dear Mommy Lola,

I know madami akong dapat ihingi ng thank you sayo. Thank you for trusting me and my decisions, siguro minsan may mga hindi ka sinasang-ayunan but still sinusuportahan mo parin ako. Thank you for giving me a super comfortable life. Thank you for not pressuring me, sobrang laking bagay nun for me, lalo na ngayon. Thank you for loving me even at my worst. I want you to know that I appreciate everything, kahit hindi ko man laging nasasabi.

Sorry if I'm not making you proud right now but promise, someday, I'll make you proud. Makakabawi din ako. Sa ngayon all I can do is  try to make myself better and be there when you need me to do something haha!

I love you, Mommy Lola. Happy Mother's Day!

Dear Titas,

Happy Mother's Day, Titas! Thank you sa pagiging cool na tita saakin, instant barkada na pwedeng kasama sa lahat ng trip, pwedeng sabihan ng problema at pwedeng kasama sa kalokohan haha! Thank you sa pag intindi niyo saakin at pag sunod sa mga arte ko sa buhay. Salamat din kasi sinamahan niyo ko lumaki wahahaha hindi magiging ganon kasaya ang childhood life ko kung wala kayo! I'm very lucky to have you as my titas. Having you in my life means no boring family reunion. I love you! 

Love,
Yhem.

I don't know how to end this post haha ayoko kasi talagang pahabain. But, I want you all to know na lahat ng mga bagay na nagawa niyo saakin ay part ng kung sino ako ngayon. Ayokong mag drama pero sobrang swerte ko lang na I have all of you to guide and support me, hindi ko alam kung saang lupalop ako ng mundo pupulutin kung hindi niyo ko pinalaki gaya ng way ng pagpapalaki niyo saakin. So, for that, Thank you!

Happy Mother's Day. I love you!


Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose