RHEMZY


Hi! 

I'm Rhemzy Rose Ancheta but feel free to call me Yhem. 
International Studies graduate from Far Eastern University. 

Nag simula akong mag tumblr year 2009 ata pero 2010 talaga nung na adik ako kasi sawi ako sa buhay nun, alam niyo na bitter bitteran ang ate mo. Tapos natigil ako mag blog nung 2012 kasi nag college ako, eh ang dami ng nakaka alam na kakilala ko ng blog ko, ayun tumigil nalang ako haha! Pero may private blog ako nung 2013 kasi in love ako noon, tapos isang tao lang nakaka alam ng password kasi puro tungkol lang naman sa kanya ang laman nun, maharot kasi ako haha!

Tapos nawala kami…..HAHAHAHAHA nawalan nanaman ako ng gana magsulat kaya iniwan ko nanaman, nakakaloka diba? Pero, oks lang di ako brokenhearted o ano kasi goods naman kami lol

2016 gumawa ulit ako ng public na blog, (rhemzyancheta.tumblr.com) wala lang gusto ko na kasi talagang mag start ulit na mag sulat o maglagay ng mga alaala na pwede kong balikan o tignan kapag nagdaan yung panahon pero ang daming nangyari tapos wala naman din akong masyadong nailagay dahil pili lang yung pwede kong sabihin so feeling ko hindi din ako malaya kaya ito.....

....ngayon gumawa ako ng bagong blog para masimulan ko na ulit yung mga bagay na kinalimutan ko noon. Gusto ko na ulit maging malaya at masabi yung mga opinyon ko kahit walang nagtatanong. Gusto ko na ulit mag post ng personal na pangyayari sa buhay ko at hindi intindihin kung may makakabasa man o wala. Gusto ko na ulit sumaya.

Kaya kung umabot ka hanggang dito, salamat!


Love,
Rhemzy

PS: Kung kilala kita o kaibigan kita pm mo ko, viber, fb, twitter or text tapos sabihin mo saakin na nakita mo ‘to para alam ko na di kita pwede itrashtalk dito charot! HAHAHAHA!


Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose