Ilang araw na din yung lumipas noong mapanood ko yung Meet me in St. Gallen ni Bela Padilla at Carlo Aquino, pero hindi parin nawawala yung epektong pakiramdam ng palabas saakin, parang nakadikit na ata sa puso ko at nagiging parte na ng normal na pakiramdam. Haha!
Sobrang sakit.
Sobrang bigat.
Nakaka-gaga.
Grabe talaga.
After ko mapanood yung movie sobrang bigat ng pakiramdam ko at gusto ko nalang talagang maiyak, mamsh, promise hindi ako OA haha! Ang tagal ko nang naka move on at okay na okay na ko sa buhay ko pero after ko manood para akong nasipa ng isandaang beses ng sarili kong feelings dahil ang dami talang emosyon yung biglang bumalik at naramdaman ng buong pagkatao ko.
Basta may something sa pelikula na dapat niyong panoorin. Ang ganda ng storya sobrang realidad ng buhay. Ang galing ni Bela at Carlo, sobrang natural lang ng pag arte nila, parang walang camera sa paligid nila. Ang galing ng direktor, saktong sakto lahat ng bitaw ng emosyon, timing ng linya, anggulo, pati lugar, basta.
Sa sobrang ganda ng movie, after mo manood gugustuhin mo nalang bumili ng malamig na beer at ulit ulitin yun You Are My Sunshine habang boses ni Moira ang naririnig. Haha!
Ang daming tanong sa utak ko after ng movie, hanggang ngayon nasa utak ko parin yun at sobrang binabalikan ko parin yung mga tanong haha! Sa totoo lang bigla akong napabasa ng mga lumang love letters dahil sa Meet me in St. Gallen haha! Joks.
So ayun na nga may ilan akong tanong kay Celeste at Jesse. Haha! Hindi ko alam pero binabagabag talaga ako. Please, kung alam niyo yung sagot, sabihin niyo saakin haha!
1. Celeste, bakit kung gusto mo naman pala si Jesse, sinabi mo pa noong umpisa na "Ang perfect na ng gabi, huwag na nating sirain." Mamsh, ilang taon kang nagstalk, samantalang ikaw yung nagsabi na wag niyo ng ituloy, wag na maging fb friends haha! So ano yun? Tapang tapangan ka lang ba noon at natakot ka lang talaga kaya mo sinabi yun? O gusto mo lang magpahabol at noong hindi ka hinabol nasaktan ka? Mamsh, bakit ka ba naghintay?
2. Jesse, doc anuna? Bakit naman ganon? Mahal mo naman pala si Celeste so bakit pa pinatagal? Bakit ka pa nagkaron ng iba? Bakit naniwala ka na hindi ready si Celeste sayo? Nirespeto mo ba talaga yung sinabi niya na huwag sirain ang gabi o talagang ayaw mo lang? Bakit kung mahal mo naman pala siya, kailangan mo pang umabot ng ilang taon para sundan siya at iwan yung isa? Paps, ano pa bang hinintay mo?
3. Para sa inyong dalawa. Ano bang nangyari? Ano bang trip niyo? Ang sabi niyo Sunshine niyo yung isa't isa. Ang sabi niyo ang perfect na eh, sabi niyo din na napapasaya niyo yung bawat isa, nabigyan niyo ng buhay yung buhay niyo....So ano pang mali? Ano pang hinintay niyo? Bakit hindi naging kayo? Bakit hindi kayo? ANSWER ME!!!
Pero sige, may mga narealize din naman ako sa movie haha. Syempre magulo utak ko kaya kinontra ko lang yung sarili ko. Tanong ko sagot ko ganern.
So ayun, napagtanto ko na...
1. Bawat taong dumadaan sa buhay natin ay may role na gagampanan saatin. Lahat tayo ay may kanya kanyang parte na nakalaan para sa bawat isa. May ilang forever, lead role kumbaga, may ilan naman na dadaan lang na parang isang chapter lang sa istorya ng buhay natin at hindi na aabot pa sa ending. Pero, may ilan naman din na bumabalik balik lang sa storya para magbigay ng dagdag kulay sa kwento pero alam mo parin na hindi pang katapusan.
2. May mga tao sa buhay natin na kailangan nating tanggapin na nandyan lang para pasayahin tayo pero hindi para samahan tayo hanggang sa dulo. Kailangan nating matutong ipagpasalamat na minsan silang naging parte ng kung sino tayo at tanggapin na hindi sila ang may hawak ng kung sino tayo.
3. Hindi lahat ng storya kailangan ng book two. Minsan kung paano natapos yung isang storya, dapat pabayaan na natin doon at huwag ng sirain pa. Hindi para sa lahat ng tao ang second chance, hindi lahat love eh, sweeter the second time around. Minsan kailangan na natin makuntento kung anong nagkaron, dahil hindi lahat sa pagkakataon mas okay ang *sighs* kesa sa "what ifs".
4. Hindi porket mahal ka ng isang tao, ititigil niya ang buhay niya sayo. Hindi pwedeng maghintay siya hanggang sa maging okay ka at ready para sa kanya. Hindi pwedeng habang masaya ka, paghihintayin mo siya at babalikan kapag kailangan mo na.
5. Kung mahal mo sabihin mo. Yun na yun. Period.
Sa totoo lang note-to-self talaga halos lahat ng yan kasi maraming beses ko din yan na na hindi naalala at inisip haha. Alam niyo na, bida-bida lang ganern, bakit ba? Blog ko naman 'to haha.
Ang labo ng mga sinasabi ko kasi opkors malabo din yung emosyon ko, kalat kalat katulad ng thoughts ko dito sa mga pinagsasabi ko dito. Ang haba ng explanation ko, ang gusto ko lang naman talagang sabihin eh, tara, inom? Charot!
Hays. Jesse and Celeste, ano ba naman 'tong naging epekto niyo, hindi nakakaganda haha! Charot!