Tuesday, January 30, 2018

"Bakit wala ka pang Boyfriend?"


I'm 21 and nasa punto ako ng buhay ko na kapag may naka-usap akong tao na matagal kong hindi nakita o matagal nawala sa buhay ko, iisa lang ang pinupuntahan ng usapan.

"Graduate ka na?"
"Oo."
"May work ka na?"
"Wala pa eh."

....At ang tanong na hindi ko alam kung bakit laging kasunod ng trabaho, I mean, anong connect? Lol.

"MAY BOYFRIEND KA NA?"
"Wala din."
"BAKIT WALA KA PANG BOYFRIEND?"


Una sa lahat, hindi nga ako lumalabas ng bahay para maghanap ng trabaho, so paano mo naisip na maghahanap ako ng boyfriend? Charot!

Pero seryoso, 21 lang ako, ngayon palang nagsisimula yung buhay ko at ngayon palang ako dapat magiging malaya sa buhay dahil wala ng school na dapat pagtuunan ng pansin (lol). Kung meron akong dapat unahin, yun yung paghahanap ng trabaho at pag iipon ng pera para naman makapag travel ako. 

Hindi ko alam kung bakit parang minamadali ng mga tao yung pakikipag relasyon, don't get me wrong, kung gusto niyong makipag jowa forever at kung meron kayong boyfriend o girlfriend ngayon edi good for you. Congrats! But, please, wag niyong ipamukha saakin kung gaano kasarap magkaron ng taong makakasama at mapagsasabihan mo ng problema kasi trust me, I know the feeling. 

At alam ko din na kung gaano kasarap magmahal, ganon din kasakit masaktan kapag nawala na yung taong yun. Wala pa akong nagiging official na boyfriend pero naranasan ko narin namang masaktan dahil dyan. Hindi naman siguro label ang basehan para magkaron ka ng karapatan na masaktan, right? 

Naalala ko dati may friend ako na nagkkwento kung gaano siya ka-heartbroken and sabi ko sa kanya "Alam ko yang ganyang feeling, alam ko masakit pero kailangan talaga nating pagdaanan yan kasi part ng buhay and pag grow as a person." Sa dami ng sinabi ko, alam niyo ba kung anong sinagot niya saakin? "Ano bang alam mo? Nagkaboyfriend ka na ba? Hindi naman naging kayo ni ..." 


Imagine kung gaano ako napikon that time dahil sa comment niya na yun haha (pero goods naman kami lol) Pero, that night sobrang habang discussion ang naganap. Haha! Oh, well, this post is not bout labels and stuff so okehh. 

So, mabalik tayo sa topic. 

People, maraming dahilan kung bakit hindi pa pumapasok sa isang committed na relasyon ang isang tao, lahat may dahilan pero ano bang malay ko sa dahilan nila, ang kaya ko lang sabihin eh, yung saakin:

1. Wala akong social life para maka-meet ng maraming tao na magiging potential boyfriend.
2. Masama yung ugali ko, no joke. Gusto niyo ng sample? Ito yung ilan sa mga natanggap kong comments galing sa mga taong nakilala ko.

"Ang kupal mo talaga."
"Grabe, ang sama parin ng ugali mo."
"Ang sungit mo naman."
"Kailan ka ba makakausap ng matino?"

Oo mamsh, pinupush ko agad sila bago pa sila makalapit kasi duh ayokong magsayang ng effort. Kung napikon nga sila saakin ng hindi ako kinikilala, paano pa pag alam na nila yung totoong ugali ko diba? haha

3. Takot ako sa commitment, feeling ko sasakalin nila ako and pagbabawalan sa mga bagay na gusto ko. Matigas yung ulo ko, sure na hindi ako susunod, so hassle lang. Wag muna ngayon, hindi pa ako ready. 
4. Nasaktan na ako noon and ayoko nang maulit yun. Nakakatanga mga mamsh, wag na nating ulit-ulitin yung ganon, okay na yung isang beses.
5. Lolokohin lang naman nila ako so bakit pa kailangan ng commitment kung pwede namang sa umpisa palang sabihin na niyang maglolokohan lang kami, at least alam ko. 

Marami pang dahilan kung bakit hindi ako pumapasok sa isang relasyon, sabihin niyo nang takot ako o masyadong mataas yung wall ko pero masisisi niyo ba ako? Ganon yung pinapakita ng mundo saakin, at wala naman ding nagbibigay ng ibang pananaw haha! Lalo pa ngang pinapatunayan sooooooo....

Hindi ako man hater ah haha hindi ko rin naman sinasara yung pinto or pagkakataon kung magkakaron man, pero sa ngayon wala pa kasi talaga, ayoko namang magmadali para lang masabi sa mga tao sa socmed na meron akong boyfriend na pwedeng ibalandra. 

Mukha lang akong walangya pero naniniwala parin ako sa isang matino at magandang relasyon, yung may tiwala at loyalty. Ayokong pumasok sa commitment na hindi ako ready at hindi 100% yung tiwala na meron ako. Gusto ko kapag nagbigay ako ng effort sa tao, doon na sa sigurado akong magiging worth it naman yung lahat ng mararamdaman ko.

So, para sa mga nagtatanong kung bakit wala pa akong boyfriend?

Relax lang, darating din tayo dyan. Haha!


Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose