Sabi ko sa sarili ko "dapat sa 2018 masaya ka lang. Try your best para maging masaya yung buong taon mo." Paulit-ulit ko yang pinapaalala sa sarili ko kasi parang sobrang daming oras na yung nasayang ko last 2017 sa pagiging malungkot. Siguro naman this year pwedeng maiba diba? Haha!
Isa ako sa mga taong hindi magaling mag express ng feelings lalo na kapag sa personal, madalas mas pinipili ko nalang na kimkimin lahat or hindi sabihin lahat ng nararamdaman ko kasi pakiramdam ko hassle lang para sa mga taong nasa paligid ko and ayoko naring mag explain dahil bakit pa diba? Hindi rin naman sila maniniwala o makikinig, kumbaga bago pa ko magsalita meron na silang sariling opinyon and isa sa bagay na ayoko yung pinamumukha saakin yung DAPAT kong maramdaman kahit wala naman silang idea kung ano yun.
Last year, 2017, soooobrang daming masasakit na nangyari, wala kayong idea kung gaano parang gusto ko nalang burahin yung buong 2017 ko dahil sa dami ng mga nangyari na gusto kong kalimutan at ibaon sa limot. Grabe friends, kung alam niyo lang talaga kung gaano ako kasaya na natapos yung 2017 na mej normal pa ko. Akala ko kasi talaga mababaliw na ako last year. Charot! Maraming beses na naiiyak nalang ako sa kwarto ko tapos kapag namaga yung mata ko isisi ko nalang sa "sobra sa tulog" kahit ang totoo, hindi naman talaga ako natutulog halos haha!
PERO JUSKO TAMA NA.
Tapos na yung 2017,
tapusin na natin yung drama.
Ngayong 2018 isa sa goal ko sa buhay eh yung SUMAYA NG TOTOO. Alam niyo yun? Yung masaya lang na kampante ka sa buhay mo, hindi yung saya na pilit kasi kailangan mo. And hindi ko magagawa yun kung hindi ko tatanggalin yung ibang ugali ko na meron ako haha.
I need to let go sa mga bagay bagay na nakakahadlang sa sarili kong kasiyahan. Sa totoo lang kasalanan ko din naman kung bakit hindi ako masaya noong 2017, pinabayaan ko kasi masyado na maapektuhan ako ng mga pangyayari sa paligid ko, hinayaan ko na diktahan ako ng mundo at ng ibang tao, nagpadala ako sa takot na baka kapag pinili ko yung sarili ko, magulo lang lahat.
PERO MALI PALA AKO.
Dapat pala lagi kong iisipin yung bagay na makakapag pasaya saakin, dapat inuuna ko yung sarili ko, hindi ako dapat maghanap ng validation galing sa ibang tao kasi wala naman silang alam sa mga nangyayari, at the end of the day, ako at ako parin naman yung mag dedesisyon para sa sarili ko and ako parin naman ang makakaramdam ng lahat.
Ayoko nang mabuhay sa opinyon ng ibang tao. Hindi ko alam kung bakit noong 2017 gusto kong iplease lahat ng tao at gawin lahat ng ikasasaya nila na hindi ko namalayan na nawala ko na yung sarili ko sa sobrang pagbibigay ko sa kanila tapos hindi rin naman nila na appreciate because ang nakikita lang nila eh yung mga hindi maganda lol.
I can't control kung ano yung tingin saakin ng ibang tao, pero kaya kong controlin yung tingin ko sa sarili ko.
Sobrang ayoko sa 2017 self ko. Siguro kung nakilala ko yung sarili ko na yun, hindi ko siya gugustuhing makasama haha! Lahat gustong iplease, nakakainis. Hindi naman ako kulang sa pagmamahal at suporta galing sa pamilya ko, kung tutuusin sobra pa nga pero sa hindi malamang dahilan hindi ko alam noon kung bakit hindi ako makuntento at parang lagi akong may hinahanap, ngayon alam ko na....
...kulang kasi ako sa pagmamahal at tiwala sa sarili ko.
Hinayaan ko na yung ibang tao yung magbigay saakin ng dapat kong ikasaya, pinabayaan ko sila na controlin ako na halos wala na akong sariling freedom, samantalang yun yung isa sa best gift na nabigay saakin ng pamilya ko, yung kalayaan. Tapos sinasayang ko lang sa pagkulong ko sa sarili ko para sa ikakasaya ng iba.
Hinayaan nila akong mag desisyon para sa sarili ko at magkamali pero hindi ko ginagamit ng tama dahil kailangan kong mag adjust para sa mga tao.
SOBRANG.NAKAKASAKAL.
Hindi naman nila kasalanan lahat, kasalanan ko rin naman kasi hinayaan kong ganon yung mangyari na imbis na gawin ko yung mga bagay na ikakasaya ko, mas ginagawa ko kung ano yung ikakasaya ng sanlibutan haha! Bakit ba kasi nakalimutan ko yung sabi ni mareng Karyn White na "I'm not your superwoman, I'm not that kind of a girl that you can let down and think that everything's okay.." HAHA!
Sobrang pranka kong tao pero noong 2017 hindi ako nagsalita, pinabayaan ko lahat na PARA SA IKAKATUWA NG IBANG TAO NA. Mygahd, Rhemzy Rose! Nakakasuka ka. Char!
January palang haha hindi ko alam kung anong mangyayari sa natitirang 11 months ng taon, hindi ko sure kung magiging masaya ba talaga 'tong taon na 'to kagaya ng hinihiling kong mangyari pero sisiguraduhin ko na hindi 'to magiging kasing saklap ng 2017 ko.
Sa haba ng post ko na 'to isa lang naman ang point ko.
This year, isipin niyo na na selfish ako, self-centered or kung ano mang term ang gusto niyo pero gusto ko lang talagang sumaya sa sarili kong buhay, sa sarili kong desisyon at sa sarili kong oras. Hindi sa matigas ang ulo pero sa dulo naman magkamali ako o hindi, sarili ko parin naman ang maaapektuhan ng lahat ng bagay, hindi naman kayo.
And enough na saakin yung suporta na galing sa pamilya ko, mga kaibigan at sa sarili ko.
I, thank you. Bow.
Charot.
Sinayang ko lang talaga yung oras niyo. Haha!