Thursday, January 04, 2018

Goodbye 2017, Thanks for the Memories.

Isang taon nanaman yung lumipas, isang taon nanaman ang makakalimutan. Maraming pagkakamali, katangahan at hindi magagandang desisyon, pero marami ring mga magagandang alaala na siguradong babaunin sa mga panibagong taon pa na darating. 

12 months na puno ng iba't ibang alaala. 356 days ng iba't ibang emosyon. 1 taon na puno mga bagong aral sa buhay. 

J A N U A R Y. 

Little Thailand in Laguna with my family to celebrate new year. Hello 2017!!

Rakrakan Festival, 2017 with Tita Cat and King. 

 Katrina and Sonny's 21st Birthday!!

F E B R U A R Y.

Sobrang pagod ng buong February kasi ito yung month na puro interviews para sa thesis namin, halata naman siguro saaking friend na si Rye kung gaano kapagod diba? Haha! 

Sobrang nagpapasalamat kami para sa mga taong nagbigay saamin ng time para sumagot sa mga tanong namin para sa thesis, busy din sila pero naglaan sila ng oras nila para matulungan kami kaya sobrang thank you po talaga. 

M A R C H.

Sleepover para sa thesis. Halos 4 days ata kaming magkakasama dyan at walang tulog kaya halos magkasakit na kami dahil malamig yung kwarto tapos kulang sa pahinga at tulog. Grabe thesis days.

Sa dami ng picture namin ni Bianca ng March mauumay kayo dahil soooobrang araw-araw kami magkasama kahit Sunday dahil kailangan namin gumawa ng thesis at syempre may halo naring kagagahan. March ata yung sobrang nasubok yung buong pagkatao namin haha! Mapa school man o personal na desisyon talagang ang daming nangyari. 

A P R I L.

Ito ata yung unang gabi na nilipat ko na lahat ng gamit ko dito sa bagong bahay, kumbaga 1st night na hindi na ako talaga nakatira sa parents ko. 

 First time magmeet ni Katrina and Bianca haha! After ng ilang taon na nakkwento ko lang sila sa isa't isa haha.

After one year ng hindi pagpapakita saamin HAHA!! Nakita ulit namin si Francisco. 

M A Y.

The PaRk, Real Quezon.

Sure na kaming gagraduate kami kaya nagpa gradpic na kami yaaaay!!!

 Fiesta dito saamin and Bday ni Papa kaya nagpunta sila. Haha!

Last day na may pinasa kami sa thesis sooo nag celebrate kami kasi finally malaya na kami!!!! BYE THESIS! Wooo!!

Two days before my 21st bday nag aya sila kumain and uminom sa panulukan. First time namin uminom sa labas sa sampung taon naming pagkakaibigan haha!

J U N E.

Intramuros Walk with Tita Cat and King.

Baccalaureate Mass. Grabe!! Huling araw na sinuot namin yung uniform namin and last day na student kami ng FEU. Wow. Haha! May feels parin.

 
GRADUATION DAY!!!! Ito ata ang highlight ng buong 2017 ko haha! Sa wakas after ng ilang taong paghihirap sa school hahahahaha pero nakakamiss din maging student hays. haha

 First time namin ni Katrina lumabas ng matino at mej malayo sa mga pinupuntahan namin dati. Haha!

J U L Y.

First time namin magkita ulit after graduation haha! 

Watched Kita-Kita with Katrina tapos bigla namin nakita si Layca sa labas ng cinema haha.

A U G U S T. 

 Napakabiglaang kita with Francis haha! Trinoma na nauwi sa The beech looool chill lang daw pero...

Fort Santiago with Maria Katrina haha. Very Pre-nup yung mga pics namin haha!

S E P T E M B E R.

September so uhm, wala akong pics para sa month na 'to pero ang nangyari ay nag try kami mag apply kaso hindi pa ata tama yung timing soooo yup. Ayun. Haha

O C T O B E R.

 Skyranch, Pampanga. First Vlog...dapat haha!

A picture of me bago ako madala sa doctor kasi nag rerelapse ako hahaha jk.

N O V E M B E R.

 After 3 years ng hindi pagkikita! Haha! Beslayp since 2008 haha!

2017 Family Picture. 

 Bianca's first time sa Intramuros! 1st real Vlog (Youtube: Pepay and Pepita)

Re-arranged my room! 

D E C E M B E R.

Bianca's Birthday Week. Nueva Ecija. (And my first time to travel alone haha)

Ciela Ann's Debut.

Christmas' 17. 

Date with Santa. Jk. Haha!

Wrote a song with this one. Haha! 

New Year's Eve (Part One) with Katrina and Sonny

New Year's Eve (Part Two) with the fambam.
 Meh.

Habang binabalikan ko isa-isa yung mga bagay na nangyari sa loob ng isang taon ko, napapangiti nalang ako kasi hindi sapat yung mga litrato para mapakita kung gaano naging makabuluhan yung buong 12 months ko na lumipas. May ilang beses akong nasaktan, natakot, napagod, umiyak at nanghina pero ilang beses din akong nakabangon, sumaya, tumawa at lumaban. Sobrang daming nangyari ngayong taon na hindi ko akalain na mangyayari saakin at malalagpasan ko, hindi ko man ineexpect lahat ng nangyari pero masasabi ko na dapat ko paring ipagpasalamat yun dahil naging parte yun para maging matatag ako at makasurvive sa 2017. 

Salamat sa mga taong naging parte ng 2017 ko, hindi lahat nasa litrato dahil hindi lahat pwede kong ipost haha pero maganda man o hindi yung mga alaalang meron tayo sa 2017 sana alam niyo na nagpapasalamat ako sa bawat isa sa inyo sa pagkumpleto ng adventure ko sa dagdaan na taon. Magkukrus pa ang mga landas natin at sana sa panahon na yun magawa nating ngumiti sa isa't isa. 

Marami pa akong haharapin at nagsisimula palang ang 2018, hindi ko alam kung anong mga pwedeng mangyari ngayong taon pero sigurado ako na lahat yun at lahat ng magiging desisyon ko ngayong taon eh, makakatulong sa pag grow ko bilang isang tao. Bata pa naman ako, nasa punto ako ng buhay ko na natututo ako sa totoong laban ng buhay kaya hindi dapat ako mapagod agad. 

Soooo...Goodbye 2017, thanks for the memories and Hello 2018! 























Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose