Friday, December 08, 2017

Bianca's Birthday Week, Nueva Ecija 2017


Sooo ayun na nga, last December 3, 2017 sumama ako kela Bianca pauwi sa kanila sa Nueva Ecija, talagang matagal na naming plano na umuwi ako doon kasi nga yung unang beses na nagpunta ako doon eh, para sa thesis kaya buong araw lang kaming naka kulong sa bahay at wala kaming time maka gala o magliwaliw. Kaya ngayong tapos na kami sa mga gawaing pang school at wala naman kaming trabaho pa, free na free na yung oras namin.

Tapos birthday week ni Bianca, (December 8 ang birthday niya) sayang nga at hindi ako umabot doon ng mismong araw ng birthday niya pero okay lang yun, ang mahalaga nakapag celebrate kami. Mahirap na kasing magkita ngayon dahil wala ng school at malayo ang Nueva Ecija HAHAHA. 

Mga 7:30 PM na kami nakarating sa bahay nila Bianca, kaya wala kaming halos ginawa kasi pagod din sa byahe, tsaka gabi na and may plano naman kami for tomorrow kaya nireserve nalang namin lahat ng energy namin para doon. Kumain lang kami ng dinner tapos konting kwentuhan syempre tas binigay ko narin yung gift and letter ko para magamit niya kinabukasan haha. Mga 2am natulog na kami. 

Kinabukasan, December 4 (Monday), nag ayos kami pagkagising kasi pupunta kami ng SM Cabanatuan, syempre first time ko doon dahil bukod sa bago lang yun, hindi naman ako nagagawi ng Nueva Ecija ng madalas haha. Nag bus kami papunta doon, nagulat nga ako kasi ang layo pala ng SM galing kela Bianca, siguro mga 1hour din yung naging byahe namin. 

Mga 3:30 nakarating kami tapos doon na kami kumain tapos sa Shakey's kami, libre nila kaya thank you po sa libreng food and pamasahe. After kumain, lumabas kami doon sa parang garden nila and doon kami nag picture kasi maganda yung lugar tapos walang tao, wala naring araw kaya maganda na yung panahon, hindi na nakakatakot sa balat haha!


Syempre sinulit namin yung lugar kaya todo picture kami. Thank you kay Tita Sarina kasi pinictureran niya kami ni Bianca kaya may mga matitino kaming kuha, kung kaming dalawa lang yun baka buwis buhay nanaman kami para sa pag hanap ng anggulo para sa picture haha!
With Tita. Thank you po sa pagpayag na magstay ako sa inyo and sa pagsama saamin ni Bianca sa SM haha. And para sa lahat lahat lalo na nung kinagabihan na. Tatandaan ko po yung mga sinabi niyo saamin noong gabi na yun hehe.
Noong nakauwi na kami nagpalit kami ni Bianca nung damit na niregalo ko sa kanya haha! Long sleeves lang yun na favorite kong color HAHAHHA! Tapos nagvideoke kami and *konting* inuman. Woo Tequila, mygahd nakakamiss pero tama na muna ulit dahil wews talagang ang sakit ng ulo ko kinabukasan haha! Mga 4AM na kami natapos ni Bianca kasi nagkwentuhan pa kami tsaka kumain dahil nga bangag na kami kaya nasimot namin yung manok na kinakain namin wews diet!!!

Tapos ayun, December 5 (Tuesday) umuwi na ako. Muntik pa nga na hindi dahil akala ko talaga magkakahangover ako ng malala and mej gusto pa namin magswimming HAHAHHAHA (tsaka parang ayaw pa namin maghiwalay char, clingy bestfriend naks perstaym) 

First time ko magbyahe mag isa ng ganon kalayo kaya hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o excited nung pagkasakay ko sa bus. Nilagay ko nga sa tabi ko yung bag ko para walang makaupo sa tabi ko, masyado akong paranoid para magkaron ng katabi na hindi ko kakilala haha! Ang daming stopover tsaka ang traffic pero nakasurvive naman ako, yay! 
HAPPY BIRTHDAY, B!

Paulit ulit na ako pero thank you talaga para sa lahat, lalo na sa friendship na meron tayo kasi kahit sobrang weird ng pagkakaibigang meron tayo dahil bigla tayong nawawala sa socmed minsan o sa hinagap ng isa't isa, wala paring nagbabago. Sana kahit na dumating yung time na matagal na talaga bago tayo magkita, never parin mag-iba yung friendship natin. Pero malay naman natin kung anong plano ng tadhana, right? Malay natin kung pagsamahin tayo sa work haha. 

Nasa letter ko na yung ibang gusto kong sabihin kaya yun nalang basahin mo HAHAHA. 

-R

Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose