"Life ain't always beautiful but it's a fun ride" - Gary Allan
Nitong mga nagdaang araw hindi talaga maganda yung mood ko kaya talagang kailangan ko ng ikasasaya ko, kaya namaaaaan noong nalaman ko na aalis kami para pumunta sa isang amusement park, naging excited talaga ako. Haha! Talagang hinintay ko yung araw kasi gusto ko na magsisisigaw sa tuktok at tumawa lang ng tumawa.
Kahapon, October 8, 2017. Nagpunta kami sa Skyranch, Pampanga. Kasama ko yung buong family ko and inaya rin namin si Bianca para sumama saamin, kailangan niya rin kasing mag tanggal na stress dahil grabe talaga ang mga kaganapan noong mga nakaraang linggo pero ibang usapan na yun haha!
Balik tayo sa skyranch...lol
Hindi naman ganon kalaki yung lugar at hindi rin sobrang dami ng rides na meron, pero enough naman na yun para makasigaw at makapag tanggal ng stress kahit papaano haha! Iilan lang yung rides na medyo mapapasigaw ka, karamihan mga pambata lang pero pwede parin naman kayong mag enjoy sa mga rides lalo na kung gagawan niyo ng paraan at gagawa kayo ng ikakatawa niyo talaga.
Nasa tapat rin naman 'to ng SM kaya pwede muna kayong umikot ikot doon kung gutom na kayo haha. May mga pagkain naman sa loob ng skyranch pero kung gusto niyo magpa aircon dahil mainit sa loob nalang kayo ng mall kumain haha.
Nag avail kami ng ride-all-you-can ticket sa metrodeal for 280 pesos lang haha! Mura na yun kasi kapag pumunta ka sa Skyranch ng walang ticket at inisa isa mo lang yung bayad sa mga rides medyo mapapamahal ka pa kasi karamihan sa mga rides nila 100 pesos per ride. Masusulit mo yung 280 pesos lalo kung galing ka pa sa Maynila at kailangan mo pang mag bayad ng pamasahe para sa bus haha. Hindi ko sigurado kung magkano yung pamasahe pero hindi naman siguro aabot ng 100 pesos yun haha.
May 21 rides daw doon sabi sa website nila haha! Pero parang hindi ko naman nakita yun lahat! Jk. Yung iba kasi sarado or hindi gumagana kaya iilan lang yung nasakyan namin na gusto talaga namin. Pinaka na enjoy ko yung space shuttle kasi ewan ko ba nakakatawa lang. Para ka lang dinuduyan ng paikot-ikot lalo na nasa dulo yung pwesto namin kaya ramdam na ramdam talaga yung hampas ng hangin sa pagmumukha ko haha! Tsaka matagal kasi yung ride kaya nasulit talaga haha.
"Ang hirap maging best friend nito, nakakamatay" yan yung natatandaan kong sabi ni Bianca kay mama habang nakasakay kami sa super vikings kasi gusto kong umupo sa dulo ng ride. Fan kasi ako ng mga extreme rides kaya lahat ng kapahamakan sinusubok ko, joke! Lahat kasi ng sinakyan namin lagi kong pinipili yung pwesto na alam kong mas mararamdaman talaga namin yung hampas ng hangin at kaba haha! Doon nalang kasi ako nagkakaron ng emosyon, charot.
Walang masyadong sumasakay pero maraming tao sa park haha! Siguro kasi October lang naman ngayon pero sabi ni Bianca kapag December daw pila yung mga tao para makasakay. Kaya okay narin na sa alanganing date kami nagpunta para at least hindi namin kailangan mkipagsiksikan sa mga tao at pumila ng mahaba para sa mga rides, hayahay lang ang life pwede pang magpa ulit-ulit ng sakay kasi wala namang pila haha!
Solo pictures na nagpatagal talaga sa oras namin kasi maarte ako at paulit-ulit ko laging pinapa ulit yung shot saakin kasi namaaaaan kapag ako kumukuha sa kanilang lahat maayos tapos pag saakin laging hindi naka focus or blurred haha! Kaya may 63 solo shots ako sa camera ngayon haha!
aaaaand ilan sa mga favorite kong kuha namin noong araw na yun. Thanks kay mama and sa kapatid ko sa pag tyagang pagkuha ng picture saamin kahit ilang beses kong pinapa ulit lagi haha!
Ayun. Overall nag enjoy ako kasama yung family ko and of course my soul sister Bianca! Kahit 11PM na kami naka uwi at ang sakit ng katawan ko ngayong umaga pagkagising haha!