Friday, October 06, 2017

Save Me

https://www.demilked.com/depression-death-skeleton-drawings-haenuli-shin/

I’m feeling lost, 
like being alone in an empty coast 
I’m staring but not seeing, 
feels like my soul is slowly draining. 

Trying to scream but no one seems to hear, 
my thoughts are killing me but i can’t go any where but here. 
My tears are starting to fall, 
I’m on the verge of making a call, 
asking for someone to make me feel whole,
together we could find my lost soul. 

Save me, please I’m here asking, 
hold me cos I feel like drowning, 
Save me, it’s me pleading, 
say you hear me, before I start bleeding, 
Save me, I am begging, 
take me back to the beginning.

I’m in pain for feeling numb, 
I also feel like dumb, 
now consider me damn. 
Oh, darling, do you get me now?


Isa 'to sa mga sinulat ko sa isang araw na sobrang hindi ko nanaman maintindihan kung ano yung nararamdaman ko, panahon na ang tanging meron lang ako ay papel, ballpen at mga gumugulo sa utak ko. Pinabayaan kong lumabas lahat ng emosyon at nararamdaman ko at pinili kong ilagay sa mga salita at gumawa ng isang bagay na alam kong makakapag pagaan ng loob ko. 

Napag uusapan sa social media yung depression ngayon dahil sa isang pahayag ni Joey de Leon na "gawa gawa" lang ng mga tao yung depression, sabi niya gusto lang daw magpasosyal nung iba. Oo, nag sorry siya, oo mapagbibigyan pero mali parin.

Kung hindi mo naman naranasan yung isang bagay sa sarili mo siguro ang pinakamagandang gawin eh, manahimik at wag nalang magbigay ng opinyon sa bagay na yun lalo na't wala naman nanghihingi ng opinyon mo. Mas mabuting itikom nalang yung bibig lalo na kung hindi rin naman maganda yung sasabihin. 

Kasi ako na yung magsasabi. Hindi po madali. 

Naalala ko yung araw na hindi ko na ma-control yung sarili ko, lahat ng bagay nakakalungkot, lahat nakakaiyak. Pinilit kong isipin na "baka naman lilipas din 'to, baka naman bukas okay na ako." Pero mali ako eh, araw-araw nilalabanan ko yung sarili ko na wag maging malungkot at isipin na may pamilya at mga kaibigan ako na nagmamahal saakin at gusto akong makitang masaya, araw-araw kahit mahirap, kahit halos wala na akong ganang tumayo sa kama, pinipilit ko parin na maging maayos.

Pero dumating yung araw na talagang hindi ko na kaya, naaalala ko parin yung panginginig ng buong katawan ko, yung patuloy na pag patak ng mga luha sa mata ko sa hindi ko naman malamang dahilan, tandang tanda ko kung gaano ko kagustong mawala nalang sa mundo noong araw na yun dahil sa takot na baka hindi na ako maging okay. Naaalala ko kung paanong pakiramdam ko nakakatakot lahat ng bagay sa paligid ko, kung paanong parang walang nangyayaring tama, lahat mali at hindi na maayos. 

Naaalala ko yung pag aalala sa mukha ng mga magulang ko dahil sa nangyayari saakin, kung paano sila nataranta na madala ako sa doctor, naalala ko kung gaano ako natakot sa mga bagay na nararamdaman ko ng sabay sabay at hindi ko na alam kung ano ba ang mauuna, nakakatakot na sa pag aalala nila wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng paulit ulit at humingi ng tulong.

"Tulong..tulungan niyo ko"
"Paano ba anak?"
"Hindi ko alam basta tulungan niyo ko"

Tandang tanda ko kung paano paulit-ulit na yan lang ang naririnig ko noong araw na yun. Ang arte ano? Ang OA na ba? 

Sa maniwala man kayo o sa hindi, minsan dinadasal ko na sana ARTE lang ang lahat ng yun, sana hindi ko talaga naramdaman at nararamdaman yun hanggang ngayon, na sana hindi ako nagigising sa kalagitnan ng gabi para lang umiyak at sisihin yung sarili ko sa mga nararamdaman ko. 

Naaalala ko yung unang tinanong saaking ng doctor "anong problema?" wala akong nasagot kundi "Hindi ko po alam" dahil sa totoo lang gulong gulo yung utak ko nang mga panahon na yun, hindi ko na alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ko dahil walang ibang laman yung utak ko noon kundi ayoko na at sana matapos na ang lahat. Lumipas yung oras , matapos ang maraming tanong at usapan, ang nasabi lang saakin ay "Kahit tulungan kita, mas malaki parin yung chance na magiging maayos ka kung tutulungan mo yung sarili mo. See you next week." At gamot na kailangan kong inumin lol

Big help. LOL. Sa totoo lang uminom ako ARAW-ARAW after niya sabihin yun, tutal sarili ko naman ang makakatulong saakin, edi gawan ng paraan, right? Ano ba ang pinakamadaling paraan para makatakas ng hindi nagpapakamatay, diba? Ano ba naman yung malasing at mawalan ng contol sa sarili, hindi naman na bago yun kung lagi mo naman nararamdaman?At least kung lasing ka, pwede mong isisi sa alak ang lahat. Haha. 

Pero sino bang niloko ko? Sarili ko lang rin naman. 

Sana nga. Sana nga. Sana ako nalang talaga yung may control, sana ako nalang yung may hawak ng emosyon ko pero hindi eh, minsan kahit anong laban ko, kahit anong pilit ko sa sarili ko wala na talaga akong makuhang lakas, minsan gusto ko nalang tumakas pero hindi ko ginagawa kasi gusto kong lumaban, pero tulungan niyo naman ako. 

Sa totoo lang masakit para saakin na hindi open yung pamilya ko sa topic na 'to. Mas gusto nilang paniwalaan na malungkot lang ako at makakaya ko namang ayusin yung sarili ko ng walang tulong ng doctor. Ilang beses akong humingi ng tulong pero parang hindi nila ako naririnig. Ilang beses akong nagsabi pero bawat iyak ko ang tanging naririnig ko lang eh "iniistress mo kasi sarili mo."

Sana kaya kong sabihin sa sarili ko na "wag ka ng matakot" "wag kang magpanic, kumalma ka lang" sana meron akong off switch sa tuwing nagsisimulang bumalik saakin yung mga nakakatakot at nakaka kabang pakiramdam na lagi kong gustong takasan pero patuloy parin sa pagsama saakin sa araw-araw na buhay haha. Buti pa siya, hindi ako iniiwan lol 

Sana hindi na maranasan ng kahit sino na makipaglaban sa sarili nila. Sana hindi nila kailanganin makipaghulaan sa mga emosyon nila kung gigising ba sila ngayong araw na malungkot o sobrang hyper gumawa ng kalokohan na lalong makakapagbigay ng dahilan sa kania para malungkot haha. 

Sana kaya ko. Sana gawa gawa ko lang ang lahat. Sana arte lang 'to. Sana stressed lang ako.

Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose