Friday, September 01, 2017

Timeline: Soul Sister!


Iba't iba yung klase ng friendship na meron sa mundo, hindi lahat pareho, maraming series at movies yung pwedeng gawing peg ng friendship niyo, nandyan si Blair at Serena na kahit anong pinagdaanan at anong away ang mangyari lagi paring naaayos yung samahan na meron sila. Si Rachel at Monica, friendship na walang judgment talaga at sinusuportahan ang isa't isa. Ted and Marshall na kahit sinong naging parte ng buhay ng isa't isa eh, nadoon sila para masaksihan lahat ng 'yon. Marami pang pwedeng gawing peg, pero mas masaya kapag meron kang real life version ng lahat ng 'yon. And siguro pwede kong sabihin na isa ako sa maswerteng tao na meron nun.

This one's for my soul sister, Bianca!

Lahat siguro tayo mayroong mga kaibigan na hindi mo inaakalang magiging kaibigan mo, yung tipong sa unang tingin palang malalaman mo na yung pagkakaiba: yin-yang kumbaga. Haha! Ganyan yung sitwasyon....dati. HAHA! 

Ibang iba yung ugali namin dati, pati nga ata pananamit sobrang iba namin haha. Sabi nga niya siya daw yung conservative saaming dalawa pag sa damit, sa damit lang ha! Iba rin yung ugali namin sa paghandle ng mga sitwasyon, mas marunong siyang mag control ng inis at salita niya, hindi katulad ko na talagang minsan wala akong preno lalo kapag iritado na talaga ako. Mas masunurin din siya kesa saakin, walang duda dyan. Marami pa kaming bagay na pinagkaiba pero ewan ko kung paano nag work yung friendship namin, baka no choice? CHAROT HAHAHAHA

Very personal 'tong post na 'to, iniisip ko kasi kung anong magandang gawin sa mga raw photos na meron kami galing doon sa graduation shoot namin, tapos nauwi ako sa pagiging madrama at naalala ko yung mga bagay na pinagdaanan namin buong college, mapa sa school man o hindi. Naalala ko kung paano kami nagbago, sindya man o hindi. Binalikan ko yung ilan sa mga pictures na meron kami sa loob ng ilang taon, hindi lang pwede kong ilagay, hindi lahat makkwento ko pero alam niyo yun nakaka senti parin! Lol. Kaya nag halungkat ako ng mga pictures na meron kami at ilan sa mga ipopost ko mga hindi namin inupload. 

Warning
Hindi ko alam ang kalalabasan ng post na 'to dahil talagang personal lang kaya pagpasensyahan kung madrama at gayshit. Nakikibasa lang naman, wag na mag reklamo jk. AT SOBRANG HABA.

June 2012 haha. 1st yr college. 1st day ng klase 'to. Magkatabi na kami sa upuan pero hindi naman kami agad naging friends. Naging magkaaway pa nga kami (mej) dahil sa mga issue na pang 1st year mga ganon alam niyo na. Drama drama. Civil naman kami, nagkakasabay sa LRT minsan. Haha! 

Tapos 2nd year, napagtripan siya ng tadhana at nahiwalay siya sa mga kasama/friends niya at napunta siya sa block namin na wala siyang ibang kakilala kundi ako at si Francis HAHAHAHA! So no choice siya kung hindi kalimutan yung kung ano man ang meron noong first year at sumama saamin. 

Ilang linggo yung lumipas naka adjust naman siya, syempre hindi mawawala yung mga drama na alam kong hindi pwedeng banggitin dito pero yun yung mga dramang nakapag break ng ice (char) sa pagitan namin at nagsimula ng magandang conversation na hanggang ngayon issue parin naming dalawa sa life. Char.

Naaalala ko ito yung 1st picture na magkasama kami kasi mej awkward pa ata sa ng mga panahon na 'to haha. Ito ata yung mga panahong na oopen na yung mga topic sa buhay namin na personal: love life na wala naman pero feeling namin meron kasi assumera kami jk. Hindi pa kami brutal magbigay ng opinyon sa isa't isa haha. Bago ata 'to yung epic na umulan sign na hanggang ngayon feeling ko pinagsisishan ni Bianca na hiningi niya. Charot!


Hindi ko makakalimutan 'tong araw na 'to kasi ito yung unang beses na nag"trip" kami na kaming dalawa lang haha. Ito ata yung simula ng mga maling desisyon namin sa buhay charot. 

2nd year lang kami nito, wala pang kamuwang muwang sa mga mangyayari sa taon na yun. Jk. Itong year ata na 'to yung isa sa pinaka masayang year ng college life ko kaya hindi ko pwedeng pagsisihan haha. 

Ito din ata yung unang beses na nakapag kwentuhan kami ng maayos ng walang bleep yung name ng binabanggit namin, start na naging open kami sa isa't isa kaya kahit nakakahiya yung eksena after niyan kasi napasobra ata yung saya namin at napalambitin sa court feu goods lang. HAHAHAHA


Syempre, NSTP. Dito talaga namin nalaman na hindi kami pareho marunong manahimik eh, kahit saan nagdadaldalan talaga kami. Buong byahe papunta sa nstp, nagdadaldalan kami umagang umaga, alam na ata ng mga nakasakay namin sa fx yung talambuhay namin dahil sa sobrang haba ng pinagkkwentuhan namin. 

Dito din nag start yung pag eexplore namin sa life.....at issues. LOL

Ito yung mga panahong feeling namin si Vern at Verniece kami kaya todo lakad kami sa buong UP at dumaldal kasi late yung mga kasama namin sa practice haha. At syempre, dahil pareho kaming may issue sa oras at ayaw naming nalalate, maaga kami doon, syempre morning person eh, breakfast ang favorite kaya di pwedeng mawala haha.

So habang naghihintay, umikot kami sa UP ng paulit ulit, puro picture at video lang naman ginawa namin, tapos wala siyang ibang ginawa kundi magreklamo na ang liit niya sa picture, akala mo naman kasalanan kong mas matagkad ako HAHA.

1st sleepover! 1st time kong magsleepover nito haha! Bago saakin yung salitang yun kaya excited ako noong mga panahon na 'to. Memorable saakin 'to kasi puro tawanan at iyakan yung mga naaalala ko, nakaupo lang kami sa salas tapos nagkkwentuhan kaming lahat tungkol sa mga problema namin sa buhay na noong mga panahon na yun akala ko sobrang laki na haha.

Ang daming nangyari nun na hindi ko akalain kakayanin sa isang gabi lang tapos sunod sunod na ganap. Doon ko din napagtanto na hindi uso saakin yung mamahay kasi madali at komportable akong makatulog kahit saan. HAHA!


Ito yung nag review kami ng malala, nagkulong kami sa amo yamie bago yung exam para mag review lang kasi finals na. Wala kaming ibang ginawa kundi kumain at magbasa at magpalitan ng ideas tungkol dun sa topic. Kaya ang resulta?Unang una kami natapos sa exam at todo ngiti kami pareho habang nagsasagot kasi lahat ng inaral namin lumabas sa exam.

Kaya di dapat pinaniniwalaan yung "hindi kami nag aral" line namin charot.

Isa pang patunay na hindi lang naman puro kaartehan at kagagahan ang ginawa namin noong college haha. Puyat na puyat kami kasi hindi kami natulog para mag review, gumawa ng report at tapusin yung project na dapat namin tapusin haha.
Hindi talaga kami natulog niyan kasi kailangan namin tapusin lahat ng dapat namin tapusin. Gusto namin manapak ng tao noong mga panahon na yan dahil sa sobrang puyat, para na kaming zombie na naglalakad sa FEU pakalat kalat haha!



Hindi rin kami halos nakatulog dito kasi kailangan namin pumasok ng maaga para magsulat ng script para doon sa project namin sa Spanish subject namin dati. Tapos after namin magsulat, buong araw kaming nag shoot para sa short movie na kailangan naming ipasa. 12 hours ata kami sa school nun, kahit yung lunch namin kailangan parin naming mag shoot ng video haha. 
Tapos nag overnight pa kami after nun para iedit yung video. 5am na gising na gising parin kami kasi nasobrahan ata kami sa sipag at ang dami naming nagawa sa overnight na yun wews. Sobrang galing nga namin mag edit nun, ang daming clips eh, tapos lahat ng emosyon sa on point LOL.

OJT! Simula na ng paghahanap ng pwedeng pag ojt-han. Wala kaming kamalay malay sa gusto naming mangyari kaya pinaubaya nalang namin sa mga kasama namin yung desisyon at nag picture nalang kami ng nagpicture jk.

Hindi kami magkasama noong ojt (buti nalang) haha. Pero, dito ata yung 1st tampuhan namin haha kasi bratinella ako tapos siya di mabuting friend that time charot. Naalala ko umagang umaga ata noong nabasa niya yun haha gandang pa good morning ng lintanya ko.


After ng OJT at ng tampuhan namin, syempre wala kaming choice kundi magsama ulit jk. Sumama kami sa Tarlac para sa UN keme ng DFA. Sumama lang naman kami doon para magbonding at makalayo sa Maynila eh. Charot.

Nakakagulat pero na enjoy namin yun trip na yun, hindi ko inaasahan na magugustuhan ko yung mga topic na binanggit doon, nagin thesis topic pa nga namin peroooo wag na natin balikan, past is past LOL.

International Law namin 'to pero walang klase kasi bumabagyo. Kaya nakatambay lang kami sa classroom at nagpipicture, hindi kasi kami makauwi dahil malakas pa yung ulan at baha pa.

Grabe 'tong araw na 'to kasi nasayang lang yung lotion kasi ano umulan nga so nabasa lang HAHA! Tapos imbis na umuwi, nag mang inasal pa kami sa kalagitnaan ng pag bagyo.....at ang pinakamalala, nag away pa kami. Kung bakit? Kasi iniwan nila akong nagpapaka elsa doon sa ulanan tapos nagsabay sila umuwi nung ano haha....so ang ending nagselos ako. Kahiya pag naaalala ko pero oh well. HAHA.

Ito yung one week siya nag stay saamin kasi para sa thesis. Dyan kami nahilig mag terno ng lahat ng bagay. Damit, ipit, etc. Kulang nalang pati ugali, na mej naging ganon narin sa mga sumunod na araw haha.

Dito yung hindi na uso yung ligo, hilamos at toothbrush HAHAHA busy kami okay? Thesis kasi yun. WOW. Buong araw wala kaming ibang pinapakinggan kundi si ate mong Taylor Swift. Tapos biglang manood ng nakakatakot na video kaya ang ending walang naliligo dahil natatakot lumabas ng kwarto. 

Yung t-shirt na binili namin na ang sabi namin "dapat ang goal pumayat tayo na kasya na saatin 'to" and guess what? lalong sumikip saamin yung shirt na binili namin kasi tumaba kami. HAHA.

Ito yung gabi gabi kaming nadadaan sa night market bago umuwi galing school kaya kung anu-ano yung naiisipan naming bilhin na terno kami. Isip bata pero nakakatuwa haha. Mapa ipit, tsinelas, damit at pati nga ata pagkain pareho lang kami ng bininili lagi. 
Sunday tapos umuulan. Defense namin kinabukasan pero naligo kami sa ulan habang naglalaba haha. (Hindi naman natuloy yung defense nun kasi bumabagyo, pero wala namang kaso parin kasi bagsak parin naman kami kaya.....oki.)

Wala kaming ginawa nitong Sunday na 'to kundi kumain, ayusin yung thesis, kabahan, magpanic, kumanta, sumayaw, tumulala tapos ayos ulit ng thesis kahit wala namang pupuntahan jk, bitter parin ako. 

One week na punong puno ng iba't ibang emosyon. 


Tapos ito na.... thesis defense na. Sa kasamaang palad at sa kadahilanang wag na natin balikan dahil tapos naman na, bumagsak kami sa thesis. Alam niyo yun? Kahit may idea naman kami na ganon yung mangyayari noon, masakit parin nung naging totoo na. Syempre kahit papaano nag effort naman kami para sa thesis na yun. Nag extend kami ng another year sa college dahil doon sa pangyayari na yun, noong una masakit pero....ang hindi namin alam yung extra year pala na mangyayari yung magiging highlight haha.

Summer after nung pangyayari haha. Nag star city kami. Ang payat ko dyan kasi kakatapos ko lang magtrabaho saglit haha.

Dalawa lang kami nun tapos nagkita kami ng maaga para masulit yung araw. Bago mag star city, nag national museum kami. Tapos ginawa namin lahat yun ng puro jeep lang ang sinasakyan haha. Sobrang tipid namin talagang inalam namin kung paano mag jeep para makarating sa star city. Sulit na sulit yung araw kasi nasakyan namin lahat. Pero, hindi kami pumasok sa lahat ng horror house kasi duwag ako. HAHA

More: http://rhemzyancheta.tumblr.com/post/146066115001/star-city-more-rides-more-fun

Back to school kaya balik thesis narin. Ito yung unang araw ng thesis namin na kailangan na namin gumawa. Dito kami nag decide na kailangan na namin ayusin and gawin lahat para sa thesis haha. Kahit mapagod, mapuyat o masabihan na kami ng bossy kaka chat sa group okay lang kasi now or never na talaga 'to mga bes. Hindi na namin keri umulit sa thesis dahil lang sa mga bagay bagay.

Grabe yun kasi kahit ayaw mo na wala kang choice kundi ayusin. Thesis topic palang mahirap na pagkasunduan paano pa yung buong laman haha.

Dahil nga G na G kami sa thesis, nagpunta kami sa National Library.  Nakakatawa kasi kapag kami lang magkasama lagi kaming nauuwi sa pagjejeep dahil hindi ko alam kung tag tipid kami o sadyang may attachment lang kami sa mga jeep haha. Gamit na gamit saaming dalawa yung pass para sa national library kakaloka.

Masama ding nagpapabalik balik sa ganon kasi mas maraming nakikita mas maraming ideas, nakakatamad na mag isip noong mga panahon na yun mga bes kaya ayoko ng may makitang iba charot.
Sumama ako sa kanila sa Nueva Ecija kasi may kailangan talaga kaming tapusin at sobrang hirap gumawa kapag sa internet lang nag uusap, nawawala kasi minsan yung ideas tapos minsang nag hahang pa yung laptop kapag nagchachat kaya mas okay kung magkasama.

Puyat na puyat kami niyan kasi ang daming parts na gusto naming palitan lagi haha sa sobrang minahal namin yung thesis hindi na kami nakuntento. Ganon siguro talaga kapag nakafocus ka ano? Lahat nalang napupuna mo. Char.

UPD ulit kasi ito na yung start ng mga interviews. Naaalala ko kung paano kami nag hanap ng mga pwedeng interviewhin, wala kaming idea haha talagang nagsearch lang kami at inisa isa namin lahat ng pwede. Magmula sa pangalan nila, kung saan sila pwedeng interviewhin hanggang sa pagsend ng email, scan, print, papirma ng letters at pag set ng appointment nagawa namin. Araw-araw kahit walang pasok nasa FEU kami nakakaloka.

Hanggat hindi namin nakumpleto yung interviews never kami gumawa ng kalokohan haha. Pwede naman pala? Char.


sleepover na wala namang sleep kasi loool thesis. Inipis ipis na kaming dalawa kasi sa sobrang stressed na kami, kain kami ng kain tapos tamad kaming bumaba soooooo yung ipis na umakyat saamin, ang pinakamalala pa noon, kinakausap na namin sila para lang malibang kami, oo mamsh, imbis na patayin, kinausap pa, desperada na kami that time. char.



Nagsisimula na kaming mastress pero feeling ko hiyang saamin jk. Pero seryoso, ito na yung mga panahong irita na kami sa life haha. Halos gusto nalang namin magtago sa kung saan at takasan yung thesis. Well, nagawa naman namin yung magtago sa kung saan pero kahit nandun kami thesis parin naman ang nauuna namin. Nakakatawa kasi never nakita ng ibang tao yun, pero para saamin sobrang nag effort talaga kami sa thesis na yun kasi kahit may mga kalokohan kaming ginagawa, hindi kami pumapayag na wala kaming magawa o matapos haha. Kaya nakakaproud kasi kahit ang daming hassle sa life namin noon, nagawa parin namin makapasa hahaha.

Yung kahit na sobrang stressed na kami that time, may oras parin kaming magpicture lol. Sa subject yan na sa hindi malamang dahilan lagi kaming nakaka kuha ng mataas na score sa exam kahit hindi kami sobrang nag aral. Nagpapasalamat talaga ako na ganon yung kinakalabasan nung score namin kung hindi baka nalintikan kami pareho haha. Kahit di halata, sinabay namin yun sa lahat ng deadlines. Hays. HAHAHAHA

Maraming beses kaming nag overnight/sleepover pero ito ata yung isa sa pinaka memorable kasi haha ito yung finally tapos na yung paper, konting edit nalang tapos print. Kaya nagkatime kaming magpictorial at gumawa ng cover ng kakaibabe na hanggang ngayon hindi ko parin alam kung iuupload ko ba o hindi.

Puro video at pictures namin tinapos yung gabi niyan haha. Todo celebrate kami kasi bukod sa okay na yung thesis, natapos din namin yung project namin sa isa pang subject kaya talagang productive. Bago ata mag 12am natapos namin lahat kaya yay! Congrats saaming dalawa haha.

Nag swimming din kami after gumawa, kahit ang lamig lamig gusto namin magbabad tapos magkwentuhan at walang katapusang rant at pagbalik tanaw sa mga nangyari haha. Masarap kasi tahimik sa labas tapos walang araw, nakababad lang dun parang chill na chill lang after gumawa ng pagkahaba habang mga gawain haha. May isang time sa sobrang antok namin, hindi kami nagbanlaw nagpalit lang kami ng damit. HAHAHAHAHHAHA!

Tapoooos! After ng lahat lahat sure na kaming gagraduate kami kaya ito na at nagpa grad pic na kami. Syempre nakangiti na kami dyan kasi sa wakas diba? After ng lahat ng hirap at pagod sure na kaming matutupad na yung usapan na sabay gagraduate.

Syempre masaya sa feeling na dahil magkasama kami sa lahat ng hirap, magkasama rin kaming makaka alis. Sobrang adventure ng buong college life namin, pwedeng gawing movie. Jk.


                                             At ang pinaka hinintay namin haha! GRADUATION DAY!!! Naaalala ko halos mangiyak ngiyak kami doon sa speech kasi talagang parang sinulat para saamin eh, kahit ayaw namin maging super emotional kasi cool gurl kami, kasi hindi talaga maiwasan. Hindi kasi talaga joke yung mga nangyari, hindi lang halata kasi hindi naman namin binubulgar pero sobrag daming pangyayari na yung friendship nalang talaga namin yung nakakapag push saamin kumilos haha. Kaya kahit siguro anong sabihin, masaya ako kasi kung ano man yung mga nangyari, yun yung nakapagpatatag sa friendship namin haha. 

Hindi lahat nagkakaron ng chance na magkaron ng kaibigan na komportable ka at kahit anong mali mo hindi ka huhusgahan haha. Kahit minsan napapagkamalan na kayong magjowa sa sobrang clingy niyo sa isa't isa haha, btw salamat sa mga natutuwa saamin lol. Maswerte nga kami kasi kahit naging mahirap yung college, mas lamang yung saya kasi mas marami kaming memories na dadalhin sa real world, mga aral na dala ng mga pagkakamaling nagawa at mga aral na napulot lang namin sa isa't isa. 

Ang gayshit na nitong post na 'to pero natutuwa lang talaga ako. Wala pa sa kalahati ng pictures na meron kami at memories na kasama nun yung nandito pero sana kung meron mang mga college student na makakabasa nito or kahit hindi college pero nahihirapan ngayon, siguro dapat lang kayong maghanap ng kaibigan na sasamahan kayo kapag kailangan niyo at maniniwala sa inyo kapag gusto niyong mag isa. Importanteng meron kang strong support system bukod sa pamilya mo. Basta alam niyo kung kailan dapat maging dependent at independent, sure akong makakatulong ng malaki yun sa buhay niyo. :)








Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose