Thursday, August 17, 2017

Exploring Manila | Casa Manila


Casa Manila. 

Sa tagal tagal ko sa Maynila ngayon ko lang napasok at napuntahan ang Casa na ito. Hindi ko inaasahan na maganda talaga lalo na yung mga bagong bagay na matutunan dito. Nakakatuwa yung mga guwardiya na nagbabantay dahil kapag tinanong mo sila, alam na alam nila ang history ng Casa. Kaya mas lalong nakaka enjoy na mag ikot dahil marami silang kwento at trivia sa bawat bahagi at gamit sa buong Casa.

May bayad din dito katulad ng sa Fort Santiago. 75 para sa adult at 50 para sa student. (kaya dapat lagi kang may dalang i.d)

Bago ka pala makarating sa mismong museum ay may madadaanan kang kainan, may kainan na may show na pwede niyong panoorin at meron din namang kainan na maganda lang ang lugar at paligid. 

Dito din yung bamboo bike na pwede niyong arkilahin, hindi ko natry kasi hindi marunong magbike yung kasama ko pero ito yung website nila: https://www.bambike.com/ecotours


Sa entrance palang ramdam mo na talaga yung makalumang feels kahit hindi ka naman umabot sa panahon na 'yon. Katulad ng mga napapanood natin sa mga lumang movie or yung mga documentaries tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, nasa 2nd floor din yung simula ng bahay, dadaan ka muna sa isang hagdan bago tuluyang mapasok yung kabuuan ng Casa. 



Konti lang yung litratong nakuha ko kasi nakikinig ako kay Kuya na nag eexplain ng mga bagay bagay tungkol sa bahay haha. Pero yung mga nakikita niyong red carpet, yun lang yung pwedeng tapakan at doon ka lang pwedeng maglakad, iniingatan daw kasi yung mismong sahig dahil totoong narra daw yun at matagal na talaga yun kaya hindi pwedeng basta apak apakan dahil baka biglang mag fade yung kulay. 




Tinanong ko si Kuya kung sino o anong klaseng pamilya ang nakatira dati dito, pero wala pala. Talagang ginawa lang siya para maging Museum. Pero yung bawat gamit dito pagmamay ari at galing sa iba't ibang pamilya. Lahat ng makikita doon ay halos 300 years na daw at iba't ibang klaseng pamilya na ang pinagdaanan at pinanggalingan. 

May mga paintings nga doon/ portrait ng mga tao na bawal daw pictureran sabi ni Kuya, tinanong ko siya kung bakit, original daw kasi yun at bawal kuhaan lalo kung may flash dahil baka masira yung kulay ng mga litrato. Tinanong ko din kung sino yung mga yun, ang sabi niya dati daw kasi bawat pamilya lalo na yung mga kilala at mayayaman ay nagpapagawa ng painting ng kanilang sarili at inilalagay yun sa mga bahay nila kaya ayun, yung mga portrait na nakasabit sa Museum ay ilan sa mga nagbigay o may ari ng ilang gamit sa Casa. 



Isa ito sa mga kwarto sa Casa. Kung hindi ako nagkakamali, may apat na kwarto sa buong bahay. Dalawa sa ibaba at dalawa din sa itaas. Yung kwarto na nasa litrato ay ang kwarto ng may ari. Malaki yung kwarto at sa hindi malamang dahilan pagkapasok ko sa isa sa mga kwarto may kakaiba akong naramdaman haha.

Hindi nakakatakot na pakiramdam pero alam niyo yung feeling na parang pamilyar saakin yung buong kwarto, parang hindi yun ang unang beses na pumunta ako doon. Pakiramdam ko alam ko sa sarili ko na nagpunta na ako doon at nanggaling na ako, parang komportable at sobrang pamilyar sa pakiramdam yung naramdaman ko sa kwarto. Ang sabi nila saakin baka daw isa sa mga gamit na yun ay pagmamay-ari ko dati o baka yung kama? O baka sa ganong klaseng bahay ako nakatira sa past life ko kaya sa kaloob looban ko eh pamilyar parin ang lahat. Gusto ko ulit bumalik, gusto ko yung pakiramdam. 



Hindi ko nakunan pero grabe yung dining area nila. May 12 na upuan at ang sabi ni kuya bawat isang upuan daw noon ay merong katulong na nakatayo sa likod ng bawat isa habang kumakain sila. At meron silang manual na pamaypay sa ibabaw ng hapag kainan na isang katulong din ang naghihila o nagpapaandar noong pamaypay habang kumakain sila. Akala ko talaga oa lang sa mga movie kaya ganon pero talaga palang noon eh, iba ang mayaman sa mahirap hays.


Ito yung kitchen nila. Nandyan din yung iba't ibang klase ng plantsa na ginamit noon at yung mga panghulma ng chocolates. Nandyan din yung ref na yelo ang gamit at hindi kuryente. Ang sabi ni Kuya bumibili pa daw noon ng malalaking yelo at yun ang ilalagay sa ref para gumana. 

Pinakita din ni kuya yung CR. Nandoon yung ihian at dumihan at yung paliguan. Ang cute nga noong paliguan dati dahil merong malaki at maliit para daw yun sa mga anak. Hindi ko lang kinunan kasi natakot ako sa banyo haha.


Ito yung balon na sinabi na kinukuhaan nila ng tubig para ipang puno sa liguan nila noon. Ito narin yung huling part ng bahay kasi nasa exit na 'to. Kapag tapos na at nalibot na yung buong bahay may pinto na lalabasan at pagkalabas ito na agad yung makikita. 

May mga comment section sila kuya doon sa bago lumabas ng pinto. Kung magpupunta kaya sana mag comment kayo sa kanila and sana mag recommend kayo sa mga kaibigan niyo na pumunta. Huwag kayo mahiyang magtanong sa mga guard kung may gusto kayong malaman bout sa bahay, sasagutin nila kayo ng maganda at maayos. :)

Para makapunta sa Casa Manila lakarin niyo lang kasi nasa looban ito, nasa tapat ng San Agustin Church. 

Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose