Sa Maynila na ako pinanganak at lumaki, twenty-one years na kaya naman hindi na bago saakin yung mga lugar na katulad ng Intramuros pero kada pupunta ako dito hindi talaga maiwasan na mamangha ako sa ganda at kakaibang pakiramdam ng lugar na ito. Parang kapag gusto mo lang mag isip isip sa buha pwede kang mag ikot dito kasi hindi ka papakelaman ng mga tao at maraming lugar na pwede mong puntahan para maupo at tumulala.
Hindi ako expert sa pagkuha ng mga litrato pero sana mabigyan ko ng justice yung ganda ng lugar at bawat kwento sa likod ng lugar na 'yon.
Dito sa Fort Santiago, pwede kang makipag date, makipag break (kasi pwede kang umiyak after) at pwede rin naman makahanap ng bago char. Pero seryoso, maganda dito sa Fort Santiago kasi tahimik, mahangin at malawak, may mga upuan pa sa bungad kaya pwede kang umupo lang muna doon kung hindi ka naman takot sa araw.
May bayad dito mga bessy pero sulit naman. 75 pesos kapag adult, 50 pesos kapag may student i.d. ka kaya kung balak niyo pumunta dito, wag niyo kakalimutan yung student i.d. niyo kung meron pa.
Dito yung parang bridge papunta doon sa kabila o sa loob kung nasaan yung Museum ni Rizal. Maganda din mag picture dito kasi maganda yung wall na background, malakas makaputi haha. Pero seryoso lakas makadagdag ganda nito kasi parang feeling mo pwede kang magpakasal dito habang nakatayo kayo sa pinto ng arko haha.
Me and Katrina |
Pagkapasok niyo makikita niyo yung statue ni Jose Rizal na nakatayo sa isang malaking green grass haha pwedeng umupo din ata dito kasi wala namang sumita saamin noong umupo kami at nagphotoshoot, asahan mo nga lang mangangati ka kung wala kayong sapin haha. Yung white na parang bahay sa likod yan yung Museum.
Ito yung sabi footsteps daw niya noong bago siya barilin, sabi nila bakit daw sobrang liit naman ng hakbang, sa tingin ko kasi duh alam na niyang papatayin na siya at babarilin so, tingin niyo ba gugustuhin niya pang bilisan yung lakad at lakihan yung bawat hakbang niya? Hays.
Mga pictures ni Rizal noong bata pa siya, yung iba naman pictures ng mga kapatid niya at pamilya. |
Kapag inikot mo yung kada box may fact about kay Rizal. |
Ito yung floor sa part kung saan nakalagay yung ibang paintings, works, facts at kung anu ano pa bout syepre kay Jose Rizal haha. |
Kapag tapos niyo ng ikutin yung dambana ito yung makikita niyo sa likod. Pasig River yan.
Ayun, tapos mo na yung Fort Santiago bes, pwede ka ng lumabas at tumawid papunta sa ibang lugar sa Intramuros.
Manila Cathedral Church |
Palacio de Gobernador |
Pagkalabas niyo ng Fort Santiago, ito yung makikita niyo sa tawid. Ang pagkaganda gandang Manila Cathedral at Palacio de Gobernador. Pwede kang tumawid papunta dyan at pwedeng dyan mo simulan yung paglalakad para maikot mo yung iba pang lugar kasi marami pang pwedeng puntahang lugar.
So, paano pumunta sa Fort Santiago?
Uber at Grab bes. Jk (Pero use my uber code (het1bkyhue)
De, ito seryoso na.
Kung galing ka sa LRT 2, pumunta ka sa LRT 1 tapos punta kayo sa D.Jose Station sa may Avenida, sa baba ng station sa hilera ng Chowking, merong jeep doon na nakalagay Pier, doon kayo sumakay tapos dadaan na yun sa Fort Santiago. Para malaman niyong nandun na kayo, makikita niyo yung Cathedral Church tsaka yung Palacio de Gobernador. Baba na kayo doon tapos sa katapat nun may eskinita na papasukan para makarating sa gate ng Fort Santiago.
Kung galing naman kayo sa Monumento/MCU o basta sa parte na yun, pwede kayong sumakay sa jeep na may nakalagay din na Pier tapos doon din yung daan nun, baba ka din sa tapat ng church and palacio.