Thursday, June 22, 2017

GRADUATION!


Kolehiyo. Jusko po.
Marami akong pwedeng sabihin tungkol sa naging limang taon ko sa college. Oo, limang taon, imbis na apat. Dati naiinis at nasasaktan ako kasi nag extend ako ng isang taon pero ngayon na tapos na ang lahat at binabalikan ko yung mga nangyari, pwede ko nang sabihin na “worth it yung pag extend ko”
Hindi ako magsisinungaling, hindi naging madali ang buhay kolehiyo saakin dahil hindi ko gusto ang course na pinasok ko, hindi ko “forte” at lalong wala akong kaalam alam tungkol dito noong unang pumasok ako sa course na ‘to, pero ayoko naman lumipat dahil nandito narin naman ako kaya sabi ko “sige tatapusin ko kahit anong mangyari.” Kahit ilang beses na akong nahirapan, ni minsan hindi pumasok sa utak ko ang tumigil, ayoko, hindi pwede.
Pero syempre hindi naman puro hirap ang lahat dahil kung tutuusin, naging masayang adventure saakin ang limang taon. Mas marami pa nga atang masasayang nangyari na hindi ko pwedeng ikwento dahil sabi nga nila minsan yung mga best memories eh yung mga ganap na hindi pwedeng ikalat sa mundo 😜 (charot marami lang kasing mapapahamak pag nagkwento ako jk)

Maraming taong nakilala at naging parte ng buhay ko, mga taong hindi ko akalaing magkakaron ng malaking impact sa buhay ko. Marami akong lugar na napuntahan na bago lahat sa paningin at kaalaman ko, maraming tagong lugar akong nadiskubre at ang ilan ay naging lugar pa kung saan kalahati ata ng memorya ko sa college ay nandoon. ✌🏻
Marami rin akong na-experience na bagay na hindi ko akalaing gagawin ko. Maraming bagay na pinagsisihan sa una pero ngayon ay tinatawanan nalang. Ang bilis, ang bilis ng panahon. Parang kailan lang takot na takot ako at gulong gulo sa kung anong kakalabasan ng pagkuha ko sa course na 'to tapos ngayon ito na jusko po tapos na sa wakas.
Maraming alaala ang nabuo at babaunin ko na nanggaling sa buhay college ko, mga aral na natutunan na pwede kong gamitin kapag nahirapan ulit ako, mga kaibigang pwedeng takbuhan kapag gusto ng sumuko. Sigurado rin ako na marami akong nakalimutan ng alaala o malamang nagawang hindi na matandaan hehe ✌🏻
Kahit ano pa man ang nangyari sa limang taon ko, masaya ako na natapos ko iyon at na enjoy. Masaya ako na finally, pwede na akong matulog charot.
At para sa mga taong nakasama ko sa buong college life ko, hindi ko na iisa isahin pero salamat. Maraming salamat sa lahat ng alaala na nagawa ko kasama kayo, masaya man o hindi ❤️
Cheers guys!
Ancheta, Rhemzy Rose U.
AB International Studies
Far Eastern University

PEACE OUT ✌🏻

Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose