Nagpunta kami sa Zoobic Safari para icelebrate yung 13th birthday ng kapatid ko and para narin pumasyal kasi last week na ng bakasyon nila. Ang layo ng byahe, taga Maynila ako kaya masyadong malayo saamin yung Subic, mabuti nalang at maganda yung mga tanawin kaya hindi nakakainip. 6 am kami umalis ng Manila, tapos 10 am kami dumating sa Zoobic Safari, medyo nahirapan pa nga kaming hanapin kasi talagang nasa liblib. 595 talaga dapat yung entrance pero dahil kumuha kami sa metrodeal, 298 lang yung binayaran ng lola ko. Laking tipid!
Dito kami unang pumunta. Pagkapasok mo sa entrance, didiretso agad sa isang parang shop tapos diretso yun dito, gaya ng nasa karatula, halos puro ibon yung makikita dito, may Monkey din na nakasmile lagi kapag may nakikitang camera haha! May ilang hayop pa dun hindi lang puro mga ibon. May dalawang Camel na sweet na sweet, iilang hayop na nakahiga lang at parang walang pakelam sayo. HAHA!
After ng bird walk, may papasukan tapos nandun yung Animal show. Syempre nakaka-aliw makita yung iba’t ibang klase ng hayop na parang talagang tinuruan, pero at the same time nakakalungkot na napapagod sila dahil pinagtatrabaho sila para sa ikasasaya ng maraming batang nanonood.
Tumugtog bigla sa utak ko yung may tatlong bibe na kanta haha sorry.
Sa loob ng animal show nandun yung serpentarium, puro mga ahas yung nandun, iba’t ibang klase ng snakes yung nandun, medyo kabado ako nung nasa loob kami kasi feeling ko laging may nakalabas na ahas tapos bigla nalang babagsak sa kung saan, paranoid ang ate niyo.
After tignan ang mga ahas, may sasakyang tram papunta sa iba pang destination, may 11 attractions ( Aeta Trail & Show, Animal Show, Croco Loco, Forbidden Cave, Rodent World, Savannah, Serpentarium, Sky Safari, Tiger Safari and Zoobic Cave) ang zoobic safari and dalawa palang yung napupuntahan so may 9 pa, at lahat yun mapupuntahan sakay ng tram.
Wala naman masyadong ganap sa Lion Encounter kasi punong puno ng rehas yung paligid, okay narin kasi baka mapagkamalan akong laman ng Lion at makain ako ng buo, may ilan akong natatandaang pangalan, si Jojie, si Lula at ang favorite ko si Tisay, sayang wala akong picture nila na maayos kasi masyadong nakaharang yung mga rehas ng kulungan nila.
Halos pareho lang yung makikita sa mga cave na ‘to, mga replica ng iilang hayop na naka display sa mga dadaanan mo, masarap sanang pictureran kung hindi lang masyadong nagmamadali yung mga kasunod ko at halos itulak ako pasubsob sa mga hayop, ang pinagkaiba lang eh yung forbidden forest yung magiging daan papunta sa sasakyan na sasakyan para makalapit sa mga Tigre.
Ito yung favorite ko sa lahat! Sobrang cute ng mga Tiger. Halos ito ata talaga yung pinupunta ng mga turista sa Zoobic Safari. Kailangan mo daw bumili ng chicken kasi hindi lalapit yung mga tiger kapag walang pagkain, sus para paraan para sa 200 haha! Anton daw yung pangalan nung tiger na pinakain namin, ganda talaga ng mata nila sobra, gusto ko ngang iuwi kaya lang baka akalaing isa akong laman ng manok at lapain nalang ako ng buhay.
May pinutahan pa after nun, Savannah, hindi na nakababa sa tram yung mga tao kasi nakalabas lahat ng hayop, dumaan lang talaga kami doon at walang pake alam na pagala gala lang dun yung mga hayop sa paligid, sayang at walang picture kasi masyadong mabilis yung driver ng tram, natatakot siguro na mairita yung mga hayop at habulin kami haha.
Pinuntahan din namin yung Aeta’s trail kung saan may mga sumayaw ng mga famous dance ng mga Aeta. Nakakagulat nga kasi biglang sumisigaw, hindi ko tuloy napindot yung play ng camera ko kaya hindi ko pala navideohan yung saya na ginawa nung kuya. Haha! 2-5 mins lang yung sayaw kaya after nun dumiretso na kami sa huling bahagi ng Safari, yung croco loco.
Dito ako pinakanatakot nakakaloka, sobrang daming buwaya na nag aabang na malaglag kami haha, ang kitid ng daan at gumagalaw pa kaya pakiramdam ko isang maling galaw at ako na ang magiging meryenda ng lagpas sampung buwaya na nag aabang sa baba ng kinatatayuan ko, mabilis akong lumakad at naghanap ng handang pwesto para lang makakuha man lang ng isang picture, mabuti nalang at may bato at may isang nandun na natutulog kaya kinuha ko na ang pagkakataon at umalis na.
OOTD char: Shades: Sunnies | Bag: Boardwalk | Jumper: 168 Mall