Friday, June 17, 2016

Exploring Manila | STAR CITY: MORE RIDES, MORE FUN

Sobrang hinintay ko ‘tong araw na ‘to grabe! Para akong bata na first time sasama sa field trip. Halos hindi ako nakatulog bago yung mismong araw ng alis kasi talagang hinanda ko lahat ng kailangan ko, magmula sa ticket, wallet, damit na isusuot at yung camera ko, lahat talaga inayos ko na agad haha! Sobrang inexpect ko na sasaya ako sa araw na yun at thank you God dahil naging masaya naman talaga ako. 

Nakakatawa na halos naiwan ko na ata yung kaluluwa at pagkatao ko sa Star City dahil sinakyan namin lahat at talaga nga namang sulit na sulit ang binayad namin sa metrodeal. 400+ talaga dapat yung original price ng ticket sa star city, pero dahil may metrodeal, 280 nalang yung binayaran namin. Sobrang sulit, right?

Dalawa lang kami ni Bianca na umalis, ang plano talaga eh buong barkada ang aalis, pero dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, hindi yun natuloy at kami nalang dalawa yung nagdecide umalis. Wala namang kaso saamin yun kasi sanay naman kami na kaming dalawa lang haha! Nag enjoy naman kami sa buong araw na pag iikot at pagtili sa bawat sinakyan namin. 

9AM nung nagkita kami, nagbreakfast tapos dumiretso kami ng National Museum kasi hindi pa nakikita ni Bianca yun. Umuulan nga nung dumating kami doon kaya kinabahan ako kasi baka umuulan parin paglabas namin, mahirap na mag star city kapag ganon. 11:30AM nung umalis kami sa museum, laking tuwa ko nung nakita kong wala ng ulan kaya nagbyahe kami agad pa star city. 1PM nung dumating kami doon, 2PM pa ang bukas ng SC kaya kumain muna kami ng lunch. 

Pagdating sa star city, after kumuha ng ticket at nung nilalagay sa kamay, naghanap agad kami ng headband kasi yun talaga yung plano namin nasa bahay palang haha! Buti nga at hindi ganon kamahal ang tinda dun ngayon.

Una naming pinuntahan eh kung ano yung una naming nakita haha! Peter Pan! Wala namang makikita dito kundi syempre si Peter Pan. Halos lahat ng characters nandun, mga iba’t ibang eksena sa book yung nandito at makikita mo habang nag iikot kayo, mas okay kung magdadala ka talaga ng camera dito kasi marami sanang artsy na pwedeng kuhaan kaya lang dahil tamad ako, hindi ko ginawa haha!

“Nilamon na color red yung mukha mo.” 

“Hindi tayo mukhang nasa star city, para tayong nasa bar dahil sa kulay”
Hindi naman ganyan itchura ni Captain Hook! Ang pogi kaya ni Killian! #CaptainSwan.
Pumasok din kami sa Gabi ng Lagim. Ayoko sana talaga kasi matatakutin ako sa ganyan, seryoso, sasakay ako sa kahit anong delikado na ride pero ayoko talaga sa mga horror house. Pero dahil pinagbigyan ako ni Bianca sa gusto kong sakyan, syempre kailangan kong pumunta sa gusto naman niya HAHA! Nasa entrance palang kami ayoko na kasi naman kahit alam kong tao lang yun o hindi totoo, ayoko parin yung pakiramdam na nagugulat ako dahil sa kalabog at sigaw ng mga tao. Halos tumakbo ako at kumapit ng mahigpit kay Bianca hanggang sa makalabas kami haha! Epic talaga! Buti at bawal camera sa loob kung hindi malamang vinideohan ako.

Pumunta din kami dito, kasi nga sinusulit namin kaya lahat ng makita namin pinuntahan namin haha! Akala ko katulad ng sa EK na mababasa kami, pareho kasi yung sasakyan lol pero hindi pala. Sasakay lang kami doon tapos iikot yun sa loob ng kweba na puro tungkol sa mga pirates syempre, si Captain Hook ulit ang naisip ko, #OUAT! May nakilala kaming baby girl, 7 lang siya, mag isa lang siya sumakay kasi daw yung guardian niya sa Star City nagwowork kaya nandun din siya, cutie! Hi, Ayumi!

Marami pa kaming sinakyan pero dahil nga lumipad na ang aking kaluluwa sa ere dahil sa mga sinakyan namin, hindi ko na nagawang mag picture, isa pa ang hirap kunin kunin sa bag ng camera lalo na’t mahirap iopen yung bag ko. Pero, grabe yung frisbee, kung pupunta ka ng star city dapat yun ang subukan mo. Nakakakaba syempre, ikaw ba naman ang iikot sa ere ng pagkataas taas eh, pero after naman nun feeling mo ang gaan mo at parang may kakaibang satisfaction ang mararamdaman haha!

Syempre, star flyer din hindi pwedeng mawala yan! Huli na namin naasakyan ‘to kasi biglang nagsara yung gate hindi na daw pwede muna pumasok kaya nag hanap muna kami ng ibang pwedeng sakyan, tapos nung pauwi na kami, sakto binuksan na ulit yung pila kaya nakapasok agad kami para sumakay dun. Mej bitin nga kasi konting ikot lang yung nangyari pero okay lang, masaya parin naman. 

Dahil nga sinusulit namin, hindi din namin pinalagpas ang sabi nila eh Philippines’ Tallest Ferris wheel, nakakainip dito sa totoo lang haha ang bilis kasi masyado ng ikot kaya parang nakakatamad ng iappreciate yung ganda ng nasa baba. Nag suklay at nag ayos nga lang kami ng gamit sa loob nito haha! Siguro, pang mag jowa lang talaga ‘to.

Sobrang pata pa ako ngayong araw, 7PM nung nag decide kaming umuwi na kasi uuwi pa si Bianca sa Nueva Ecija, kailangan niyang abutan yung bus at syempre delikado na umuwi kapag sobrang gabi na. Daig ko pa ang nag gym sa sobrang sakit ng katawan ko. Siguro dahil narin sa sobrang lakad tili at tawa dahil sa mga kagagahan naming dalawa. Pagod man yung physical na katawan ko, masaya naman yung nararamdaman ko. 

To Bianca, thank you for this day sobra akong nag enjoy kahit dalawa lang tayo (lagi naman) HAHA! Marami pa tayong adventure na pupuntahan at perang iipunin! Sana matuloy tuloy na natin macheckan yung laman ng bucket list natin together, yey! Love you, B!

-Rhemzy

OOTD char : Top: victory mall | Shorts: 168 mall | Shoes: Converse | Headband: Star City tiangge

Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose