Saturday, May 21, 2016

EVERY SUMMER HAS A STORY.

Sabi nila, bawat summer may kanya kanyang kwento at pangyayari, at para saakin….kayo ang kwento ng summer ko. Magiging masaya ako sa pagkekwento tungkol sa lahat ng pangyayari, hindi man ganon kaganda ang lahat ng ganap, mas lamang parin naman yung saya at aral na nakuha ko sa loob ng maikling panahon na nakasama ko ang bawat isa. Hindi man nagkaron ng pagkakataon na makilala ko ng husto ang lahat, alam kong ayos lang dahil hindi ito ang katapusan ng lahat, darating ang panahon na makikita ko kayong lahat ulit. 

Isa na siguro ang summer na ‘to sa hindi ko makakalimutang summer, kung ang ibang tao inubos ang summer nila sa ilalim ng arawan, ako tulog sa araw at halos ginawin sa lamig ng gabi, pero hindi ko pinagsisisihan yun. Eh, bakit ko naman pagsisishan ang isang pangyayari na nagparanas saakin ng bagong pakiramdam? Hindi man ganon katagal, alam kong magmamarka ang lahat sa libro ng buhay ko. 

Hindi ako pala salita, madalas tahimik at nagmamasid lang ako. Pero, benta saakin lahat ng mga banat at jokes ng bawat isa. Hindi man ako pala kwento, hindi ko man idinetalya ang buong kwento ng buhay ko, magiging parte naman kayo ng mga pangyayari na gusto kong ikwento sa mga taong makakasalamuha ko. 

Hindi ko man nasabi, pero masaya ako na sa maikling panahon, nakahanap ako ng bagong mga kaibigan, bagong “mga” crush at higit sa lahat bagong role model na alam kong dapat ko talagang tularan, hindi lang sa ganda, kundi pati narin sa bait, talino at galing makisama. Masaya ako na sa maikling panahon, nakakilala ako ng mga bagong tao na may kanya kanyang kwento sa buhay. 

para sa mga nag-gagandahang dilag na nakasama ko sa gabi-gabing pagharap sa mga kwento ng buhay, magkikita kita pa tayo, at salamat sa pagtanggap sa mga kwento kong nakakagulat dahi sabi niyo nga wala sa mukha ko. Haha! Mamimiss ko kayo, sana maging masaya kayo lagi, :)

At para sa aking trainer/bagong role model, Miss Bea! grabe thank you po sa paniniwala saakin hanggang sa dulo. Salamat narin sa pakikinig sa kwento ko at sa pagsasabing alam mo kung anong nararamdaman ko, ngayon alam ko na hindi ako mag-isa. Isa ka sa mga pinaka matyaga, mabait, maunawaing tao na kilala ko, hindi ko alam kung paano mo nagagawa yun pero salamat. Sana lagi kang maging masaya at sana matupad mo pa lahat ng pangarap mo sa buhay, alam kong mangyayari yun kasi kayang kaya mo lahat. You will always be my momma! Walang makakapantay! 


-Rhemz.



Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose