Monday, November 20, 2017

Family | 2017

Halos parang kada dalawang taon nagpapa picture kami sa maayos na studio para ma update yung family picture na meron sa bahay. Nakakatuwa lang makita na nag iiba yung mga mukha namin at nadagdagan din kami. 

Meron kaming picture na buntis pa si mama kay Yanna tapos para pa akong yagit kasi ang putla ko pa doon, buti nalang at natuklasan ko na ngayon ang red lipstick at blush on kaya hindi na ako mukhang malungkot at may sakit sa picture haha!
Wacky shot/nagulat daw sabi nung photographer pero dahil dakilang pabebe ako yan na yung inabot ng saakin. Takot na takot si ate gurl akala mo naman...haha! Charot lang may shot na nakawacky talaga ako pero hindi yun yung napili namin kaya ayan haha.
yup...puro kami girls. Haha! And kung hindi pa halata, ako yung panganay at yes malalaki yung agwat ng age namin. Nasa High School at Elementary palang sila tapos ako....lol napagdaanan na ang buong hirap at sarap ng college. 
and opkors ang aming picture na lima. Haha! Ang dami nga naming magandang shot gusto ko sanang kuhain lahat kaso lang mahal so namili nalang ako ng maayos kaming lahat. Maayos pa kami dito kasi busog kami, kung nagkataon na nauna ang picture kesa sa kain malamang nakabusangot ako haha jk.

So ayun. Kung gusto niyo malaman kung saan yan sa Great Image sa SM San Lazaro, sa may lower ground yung pwesto nila malapit sa food court at tabi ng chatime. 3 hours after niyo mamili makukuha niyo na agad. Hindi ko alam kung magkano yung bawat frame kaya tanong niyo nalang doon haha. 

Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose