November 22, 2017 nagkita kami ni Bianca kasi kukunin niya yung diploma niya sa FEU. One week silang nasa Manila kaya grinab na namin yung chance para makapag catch up kasi halos one month narin kaming hindi nagkikita. Wow akala mo ang tagal na ano? Haha!
Pero ayun nga, November 21, Tuesday, nag usap kami kung saan pwede pumunta kasi ayaw na namin mag stay ng matagal sa Recto/Morayta dahil halos lahat ng maling desisyon namin sa buhay doon nagsisimula, gusto naman namin pumunta sa may magagawa naman kaming matino. Ayaw na namin ng kalokohan jusko tapos na tapos na kami dun. Haha!
So, ayun na nga. Bigla nalang namin napag desisyonan na umikot sa Manila kasi matagal ng nasa plano namin yun dalawa na iikot ko siya sa Intramuros/Manila pero dahil nga masyadong nawala ang atensyon namin sa mga bagay bagay hindi na namin nagawa lol *regrets regrets*
Oh, well papel! Ito na ngaaaa
Nag kita kami sa FEU ng 10am. Tapos after namin kuhanin yung diploma ni Bianca, dumiretso kami sa SM Manila para doon kumain. Gabi palang pinag usapan na namin na JEEP lang ang sasakyan namin at wag kami mag inarteng dalawa. Napansin kasi namin na noong mga nakaraan naging maarte kami puro kami uber kahit hindi naman na dapat. Kaya gusto na namin ibalik yung natural naming ugali, nakakastress kasi yung 2017 version namin haha!
Tapos kumain kami sa Hot Starr kasi nga gusto namin bago, eh pareho kaming hindi pa nakaka kain doon kaya doon nalang kami kumain. Hindi namin akalain na sobrang laki pala nung Chicken nila kaya ayun may natira pa kami, pinabalot nalang kami tapos dinala namin para tipid haha!
Nakarating kami sa Baluarte de San Diego before 12 siguro, mej nangapa kasi kami sa daan. Literal na gilid lang pala ng PLM yung lugar pero napaikot kami kaya napalayo haha pero nakarating naman kami ng maayos.
50 pesos yung binayaran namin kasi may student ID kami (nagpanggap nalang kami kasi sayang naman yung 15 pesos) haha 75 kapag walang dalang student ID.
Credits kay Bianca para sa mga naka square na photos hehe |
Maliit lang yung lugar kayang kaya siyang ikutin ng 5 mins kung walang picture na kasama pero syempre imposibleng hindi ka mag picture kapag nandun ka kasi maraming sulok na pasok pang instagram.
Masarap lang din tumambay doon sa mayn tuktok lalo kung maganda yung panahon at walang masyadong araw, pwedeng pwedeng umupo doon at magmuni muni kasi walang masyadong tao at tahimik yung lugar kaya makakapag isip ka ng maigi.
Maganda rin yung lugar para sa wedding or sa mga event, pwede rin pang pre-nup or debut basta ganern. Konting ayos lang at parang mga lantern maganda na yung lugar haha. Naimagine ko nga kung "sakaling" magpapakasal ako pwedeng doon yung reception eh charot!
Konti lang yung picture namin kasi ang hirap magpicture ng naka timer mamsh! Walang masyadong masandalan yung camera tapos hindi ko pa makita kasi sobrang liwanag kaya tyambahan lang talaga. Kaya ngayon alam ko na na dapat bumili ako ng tripod na para sa cellphone lol
Mas okay sana kung bibigyan kami ng kasama na magaling kumuha ng picture pero dahil hindi pa pinapahintulutan ng panahon haha bili nalang muna.
AND PARA SA MGA MAKAKABASA NITO NA NAGTATANONG:
Sorry to disappoint you people pero STRAIGHT po kami hehe. As in sure na sure 100%. Mag best friend lang talaga kami kaya wag kayong malisyosa. Pero thank your narin sa pagpansin kasi ibig sabihin kapansin pansin yung friendship namin! Naks! Haha
Pareho kaming naka pink kasi yung album namin sa facebook nasimulan na pareho kami ng damit at maganda rin kasi tignan sa picture kapag pareho yung kulay kaya lagi kaming nagteterno HAHA! Para sa picture ang lahat jk!
After namin pumunta sa Baluarte, pumunta kami sa Casa Manila and Fort Santiago. May blog na ako tungkol sa mga lugar na yun check niyo nalang wow shameless plug!
Pero ayun nga, sinulit na namin yung araw kasi syempre sayang naman kung nandoon na kami tapos hindi pa namin pupuntahan lahat, isa pa maaga pa naman kaya okay pa haha.
Tapos alam niyo ba nung nandun kami sa Fort Santiago may nakasabay kaming mga Chinese. Nasa may ASEAN logo kami tapos halos humiga na ako sa sahig para makapag picture kami ni Bianca. Tapos dumating sila doon sa pwesto namin sa logo, yung isang babae may sinasabi siya saamin kaso hindi namin maintindihan kasi nga Chinese tapos hindi siya nag eenglish kaya ang labo talaga. Buong akala namin pinapaalis niya kami para makapag picture sila pero ayun pala tinatanong niya kung gusto ba naming pictureran niya nalang kami haha. Kaya umalis nalang kami.
Pero nakasalubong ulit namin siya tapos nakita niya ulit na nahihirapan kami ni Bianca kaya inulit niya ulit yung tanong niya tapos tinuturo niya yung cellphone ko kaya nagets na namin. Kaya ayun siya yung nagpicture kaya kami nagkaron ng maayos na picture. Nagpasalamat nalang kami bago siya umalis.
Dear God,
Thank you for giving me a friend,
someone I know will be there til the end.
Thank you for giving me someone,
a person to lean on when I have no one.
Thank you for trusting me,
I know I'm one of the few.
So, I promise to be a good friend,
and be there when I'm needed.
Please, take care of her always,
cos, I know she's precious in many ways.
Amen.
{R.A}