Sunday, November 19, 2017

Clean room, happy sleep.

Noong hindi pa ako humihiwalay sa parents ko, lahat inaasa ko kay mama miski paglalaba ng damit ko siya ang gumagawa, pero ngayon na lumipat na ako, unti unti ko nang natututunan kung paano kumilos para sa sarili ko. Aba! Dapat lang naman dahil bente uno na ako, natural lang na matuto na ako sa mga gawaing bahay kahit paunti-unti. 

Kahapon buong araw akong naglinis ng kwarto ko. Nag tapon ako ng mga gamit at papel na hindi ko naman na kailangan haha matatapos na kasi ang 2017, kailangan ko ng mag let go sa mga kalat ng nakaraan. Masyado na silang mabigat sa aura ng buhay ko charot! Naglaba rin ako ng maruruming damit ko at nalinis ko rin yung CR ko (na madalas ko talagang ginagawa haha siguro once or twice a week.)

Marami pa akong plano para sa kwarto ko pero syempre wala pa akong budget para gawin yun kaya ito nalang muna haha! Tsaka nalang ako mag iinarte kapag nagtrabaho na ako at may pangtustos na ako sa kaartehan at luho ko. Haha.

Ito yung syempre favorite place ko sa kwarto ko....yung kama ko. Haha! Madalas ako dito kaya gusto ko laging maayos. Hindi ako bumibili ng sobrang mamahalin na bedsheet kasi sayang. Sawain kasi ako minsan kapag nagamit ko na ayoko ng ulitin ulit kaya mas okay saakin yung mga normal nalang para hindi ako manghinayang. Mahilig ako sa bedsheet, gusto ko laging nag iiba kasi feeling ko nakakadagdag sa linis ng kwarto.
Ito yung sofa part or sabi nila entertainment area keme. Kapag pumupunta yung mga kaibigan ko dito sila umuupo haha ayoko kasi sa kama dahil nagugulo nga haha! Kaya dito sa part na 'to ko sila pinauupo, tsaka kaya nga naglagay talaga niyan para sa kanila para may space kami kapag gusto naming mag kwentuhan, manood ng tv or mag videoke.

Favorite din nilang dumihan kapag kumakain sila dito hahahaha charot! Marami akong naalala sa part ng kwarto ko na 'to haha memories....memories nako. 
Dito yung mga libro na binabasa ko ngayon, nilagay ko dyan para madaling makuha at madali kong mabasa kapag trip ko na ulit magbasa at feeling ko nangangalawang na yung utak ko sa sobrang nood ko ng series haha!
'To naman yung part kung saan ako nagtatype ng mga blog post kuno ko at nagsusulat sa notebook ko ng mga tulang naisulat ko haha. Yung isa sa notebook sa ilalim, laman nun puro mga tulang sinulat ko na hindi ko din naman pinapakita sa iba haha! 
  
At ito naman yung mga parte na balak ko pang baguhin kasi nakukulangan talaga ako. Haha! Pero wala akong pera pang tustos friends so update ko nalang kayo kapag may work na ako at sapat na sweldo para sa mga kalandian ko sa kwarto ko. Haha! 
Oh, baka sabihin ng iba nagyayabang ako lol sobrang na appreciate ko lang naman kung anong meron ako tsaka yung effort kong ayusin yan at syempre yung mga plano pa sa utak ko. Proud lang naman ako sa sarili ko kasi malinis yung kwarto ko at hindi ako umaasa sa ibang tao para linisin 'to. 

Alam ko hindi mala pinterest or tumblr yung kwarto ko pero hey normal na tao lang tayo dito haha! Tsaka masaya na ako sa kwarto na meron ako kasi nakakatulog ako ng maayos at normal ng walang iniintindi sa labas ng bahay. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng maayos na tulugan kaya maswerte ako na meron akong matinong kama na pwede kong pagpahingahan. Bonus pa yung ilang mga luho sa kwarto na meron din ako.

Minsan kailangan lang natin tumingin sa paligid natin para makita yung mga bagay na meron tayo at kung gaano tayo kaswerte at blessed sa buhay para magkaroon ng mga yun. Madalas puro tayo reklamo na nakakalimutan na nating tignan yung mga akala natin simpleng blessing para saatin, ang hindi natin alam yun naman talaga yung dapat nating ipagpasalamat dahil hindi lahat ng tao nabibigyan ng mayroon tayo. 


Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose