Thursday, November 09, 2017

12 (Twelve)


Nanood kami ng "12" Twelve. Sa totoo lang ilang oras na yung nakalipas pero hindi parin ako sure kung anong nararamdaman ko para sa movie na 'to haha Hindi ako magbabanggit ng mga scene kasi ayoko naman maging spoiler pero may mga bagay bagay na tumatakbo sa utak ko habang pinanonood ko yung movie.

1. Kapag inlove ka kailangan mo lagi ng salamin o kopya ng picture mo sa harapan mo para lagi mong nakikita yung sarili mo at hindi mo nakakalimutan, para naman hindi na dumating yung time na hanapin mo pa. Charot!

Sobrang gets na gets ko si Ericka (Alessandra) sa mga sintemyento at hinaing niya na nawala na yung sarili niya sa sobrang gusto niyang sumaya yung taong mahal niya. Ganon naman talaga diba? Kapag mahal mo yung isang tao minsan nakakalimutan mo na yung sarili mong kagustuhan o pagkakakilala mo sa sarili mo para sa ikakasaya niya. 

2. Bakit kailangan mo pang patagalin yung relasyon kung hindi ka naman na masaya? 

Siguro iniisip mo na baka naman kaya pang ayusin, baka naman okay pa o baka naman kaya mo pang tiisin. pero, mali yun eh. Mali na papatagilin mo yung isang sitwasyon lalo't hindi na maayos ang bagay bagay. Hindi lang ikaw yung maapektuhan kundi pati narin yung karelasyon mo. Kung papalayain mo na siya at yung sarili mo, mas magkakaron kayo ng pagkakataon na mahanap yung talagang para sa inyo.

3. Minsan hindi naman talaga nawawala yung pagmamahal, pero napapagod. 

Kapag matagal na kayo at sobrang dami niyo ng problema, hindi naman nawawala yung pagmamahal na meron kayo sa isa't isa pero sigurado na dumadating sa punto na wala na eh, ayawan na. Pagod na pagod ka na, puso't kaluluwa mo halos naibigay mo na at naisuko mo na para lang mapag work yung relasyon na meron kayo kaya halos matabunan na ng pagod yung pagmamahal na meron kayo sa isa't isa. Minsan nadadaan sa pahinga pero may mga sitwasyon na kailangan na talagang sukuan.

4. Wala sa tagal ng pinagsamahan ang ganda ng pagsasamahan.

Minsan kahit gaano na kayo katagal kung hindi naman naging maganda yung pundasyon na meron kayo, pwedeng mabalewala lahat. Nasa ganda ng pundasyon at pag unawa at wala sa haba ng pinagsamahan yung pwedeng kalabasan ng magiging realasyon niyo. Kahit gaano kaikli o katagal yung relasyon basta't sigurado kayo sa isa't isa magiging maayos kayo.

5. Communication is THE key. 

Sobrang importante ng honest communication sa isang relasyon. Hindi pwedeng ipunin mo lang lahat ng bagay na napapansin mo para lang walang diskusyon na mangyari. Minsan okay rin yung meron kayong mga bagay na pinagtatalunan at pinagdedebatehan para makapag palitan kayo ng opinyon at mailabas niyo yung sama ng loob niyo kesa naman maipon nalang at bigla nalang sumabog yung isa sa inyo at mawala lahat ng meron kayo.

6. Hindi preso yung karelasyon mo para sakalin mo. 

Hindi mo siya kailangan pagbawalan sa mga bagay na gusto niya porket hindi umaayon sa gusto mo. Kailangan mong maintindihan na bago mo pa siya nakilala, ganyan na siya at may mga kaibigan na siya sa buhay niya na hindi mo pwedeng tanggalin nalang bigla. Kailangan mong itatak sa isip mo na may sarili din siyang buhay at hindi lang sayo umiikot ang mundo niya. Hayaan mo siyang tumayo sa sariling paa niya at ang dapat mong gawin ay hawakan yung isang kamay niya kapag nagkakamali siya hindi yung akapin yung binti niya at mandohan lol.

7. Dalawa kayo dyan, wag mong salohin. 

Kaya kayo nasa relasyon at pumasok sa commitment para magkaron ng katuwang sa buhay. Dalawa kayo dapat sa mga bagay bagay na tungkol sa relasyon niyo. Wag mong salohin lahat ng sakit o lahat ng sarap. Dalawa kayong nandyan, dalawang individual na tao na pumasok sa relasyon para magkaron ng katuwang hindi para maging shadow nung isa. Hindi pwedeng ikaw lang ng ikaw at hindi pwedeng siya lang ng siya, two way dapat. Give and take kumbaga, wag tayong selfish dito. 

Oh, diba? Hindi pa ako sure sa nararamdaman ko niyan. Jk.

Pero, sa totoo lang *konting spoiler*....

Nakarelate ako sa ibang parte at sitwasyon..

Una yung sa sitwasyon ni ate gurl Alessandra. Yung tipong para lang napunan yung kulang sa pagkatao nung guy siya nalang yung nagbigay at umintindi. Alam niyo yun? Mahal mo eh, kaya sa umpisa maiisip mo na sige pagbigyan natin kasi kaya nga ako pumasok dito sa relasyon na 'to para tulungan at intindihin siya. Pero, shet haha dadating ka talaga sa punto ng buhay mo na mapapaisip ka nalang na bakit parang nauubos na ako. Sabi nga niya word of the day "broken".  Ganon kasi talaga yung pakiramdam kapag nakalimutan mo na yung sarili mo, feeling mo sobrang sawi na lahat kasi hindi mo na kilala kung sino ka, pakiramdam mo wala ng natira sa pagkatao mo, lahat ng pinaghawakan mong salita, pangarap at prinsipyo nawala na kasi lahat na tungkol sa kanya eh. Sa ikakabuti niya, sa magiging okay sa kanya, sa kanya na lahat pero sa huli ikaw parin yung nagklunag. Sa huli hindi man lang na appreciate. Haha.

Tapos yung last yung paraan ng paghihiwalay nila haha! Yung tipong pabago bago ng emosyon. Magtatalo, magkakaayos, tatapusin tapos babawiin. Kasi sa totoo lang kahit ano pang sakit yung maranasan mo sa naging relasyon niyo, wala paring easy way para makipahiwalay at tapusin yung isang relasyon na nagkaroon kayo. Kahit gaano mo pa sabihing "ayaw mo na" kapag kaharap mo na yung tao at nakikita mo nang nahihirapan siya at unti-unti mo ng naaalala lahat ng magaganda at masasakit na napagdaanan niyo, nagdadalawang isip ka talaga. Pero sa huli, kailangan mo nalang maging matapang at tandaan na kailangan mo din mahalin yung sarili mo. 

Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose