Monday, October 23, 2017

Life Update


Hi! Wala konting update lang tungkol sa araw na 'to. Haha. 

Kanina nanggaling kami ng lola ko sa doctor ko. Pang ilang balik na namin 'to, naka ilang lab at heart exam narin ako. Bumalik kami kanina ng biglaan kasi nakit ng lola ko na nanginginig yung kamay ko tapos nalaman niya na mabilis parin yung heartbeat ko (mas mabilis yung normal na heartbeat ko kesa sa normal na heartbeat dapat ng tao, kaya kapag sinabi kong mabilis yung saakin sobrang bilis talaga na parang lalabas na sa puso ko. Ganern)

Ang sabi o sa kanya normal naman na madalas ako magkaganon, yun nga yung naging dahilan kung bakit kinailangan akong dalhin sa psychiatrist dati. (Si Dr. Cho-Chiong Tan yung naging doctor ko noon.) Pero syempre kabado parin siya kasi nga baka may kinalaman parin doon sa puso ko. 

Kaya kanina....nagpunta kami sa Chinese General Hospital para doon sa doctor ko sa puso na si Dr. Henry Chan naman. Sabi niya saakin yung mga previous na test na ginawa saakin okay naman yung resulta kaya hindi niya parin matukoy tukoy kung saan nanggagaling yung bilis ng tibok ng puso ko kahit naka upo lang naman ako at walang ginagawa. Kaya ngayon nag suggest siya ng isa pang exam, yung Holter Monitor test. Isang machine daw yun na ikakabit saakin sa loob ng 24 hours para mamonitor kung gaano kadalas nagbabago yung bilis ng heartbeat ko. Ayoko nga sana kasi ang laki na ng nagagastos para saakin haha pero sabi ng lola ko mas okay na maging sigurado. 

Pinatutuloy niya rin yung gamot ko para sa pampakalma ng heartbeat haha tuloy tuloy lang daw yun. Tapos binigyan niya ako ng bagong gamot pampakalma naman ng buong pagkatao ko kasi tingin niya daw psychological yung nangyayari saakin. Akala ko talaga tapos na ako sa mga ganitong gamot pero mukhang ito nanaman, kailangan ko nanaman. Napakamahal ng gamot na 'to, tapos hindi pwedeng bilhin sa labas dapat sa kanila lang at kailangan laging may reseta. Nakakamatay kaya 'to? Charot.

Pero sa totoo lang kung ako yung tatanungin mas gusto ko ng tumuloy ulit sa psychiatrist kesa sa doctor ko sa puso kasi parang ewan...basta haha! Kaso ayaw pa ng lola ko ulit kasi feeling niya pag dinala sa ganon may sakit na agad sa utak or nababaliw hays. Haha. So, sa ngayon maghihintay nalang muna ako ng result nung Holter. 


Gusto ko lang din talaga ipost yung mga pic kasi naaaliw talaga ako sa app na puro filters haha! Hindi halata kapag hindi ka pa naliligo. Lol.

Leave me some message.

Name

Email *

Message *

@rhemzyrose