After New Year, nagpunta kami ng family ko sa Calauan, Laguna para sa floating restaurant nila. Sabi Little Thailand daw yung dating nung place, hindi pa ako nakakarating ng Thailand pero sure akong mej may feels nga na ganon kasi dahil sa mga display nila at dahil sa ayos ng buong lugar.
Ang sabi nila dalawang oras lang daw ang kailangan kapag galing Manila pero parang hindi naman ganon haha! Parang medyo matagal tagal rin yung byahe. Pero okay naman kasi maganda naman yung mga madadaanan haha!
At dahil floating restaurant nga, syempre bago ka makarating sa mga kubo na kakainan, mahirap lumakad kasi umaalon yung tubig na pinagpapatungan ng mga bamboo haha! Nakaka enjoy naman kahit papaano kaya okay narin kahit mahirap lumakad haha!
Kung sa pagkain...okay naman masarap naman kaso medyo namamahalan ako. Pwede rin palang uminom ng alak doon kaya masaya kung magkakaibigan kayo at gusto niyo lang magrelax na malayo layo sa Maynila. Mahina rin yung signal kaya siguradong walang masyadong maghahawak ng cellphone nila para magtext kaya quality time talaga ang magaganap haha!
Pwede kayong lumakad lakad kasi may part naman na hindi nasa tubig. Medyo malaki yung lugar at marami ka namang maiikutan. Pwede kayong mag ikot ikot at magpictorial sa bawat sulok haha! May mga makakasalubong din kayong mga naka costume tapos kayo na ang bahala kung magkano ang gusto niyong ibigay sa kanila kapag nagpa picture kayo! HAHAHA
Ay, meron din palang lugar doon kung saan pwede kang magbasag ng mga plato para ilabas lahat ng inis at galit mo sa mundo. May baso, pinggan at wall clock na pagpipilian, bibilhin mo lang tapos ikaw na bahala kung paano o gaano mo kalakas ibabato. Sayang at hindi pwedeng mismong tao yung batuhin. Lol!